Ang pinangyarihan ng sinasabing pagnanakaw sa Wanchai |
Hindi sumipot ang isang Pilipina sa Eastern Court kanina para sa pagdinig ng kanyang kasong pagnanakaw, kaya iniutos ng hukom na arestuhin siya nang walang piyansa. Mahaharap din siya sa mas mabigat na kaso.
Si E. Lo, 52 taong gulang na taga North Point at isang
residente na nagtatrabaho bilang hair stylist, ay inakusahang nagnakaw ng anim
na lata ng luncheon meat noong Dec. 12, 2021 sa isang sangay ng 759 Store sa
Henessy Road, Wanchai.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nakatakda sana siyang humarap kay Principal Magistrate Ada
Yim nang ika 9:30 ng umaga kanina upang sagutin ang paratang.
Nang tawagin ang kanyang kaso at pangalan, walang tumugon sa
mga taong nasa korte. Lumabas ang interpreter upang tawagin siya, sakaling nasa
labas lang, pero wala ring tumugon.
PRESS FOR DETAILS! |
Sa isa pang pagdinig sa sala ni Magistrate Yim,
umamin si R.D. Lai, isang Pilipinong construction worker, sa paratang na gumamit
siya ng shabu noong July 24, 2020 sa kanyang bahay sa Sai Wan.
Naging mabigat ang kaso dahil kasama niya ang
dalawang niyang anak – isang dalawang taong gulang at isang anim na buwan – na
posibleng naapektuhan din ng droga.
BAN ON FLIGHTS FROM THE PHILIPPINES LIFTED ON APRIL 1. BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Matapos ang pag-amin ni Lai, hiningi ng kanyang abugado na bigyan siya ng mas magaan na parusa. Nagawa lang daw niya ito dahil sa depresyon, matapos mawalan siya ng trabaho dahil sa Covid-19 pandemic.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ngayon ay may matatag na siyang trabaho, at siya
ang tanging bumubuhay sa kanyang asawa, dalawang anak at ina. Nakakatulong din
siya sa kanyang mga kamag-anak sa Pilipinas.
Sa pinakahuli niyang drug test ay negatibo siya sa ipinagbabawal na gamot, dagdag ng abugado.
Itinakda ng hukom sa June 22 ang pagbibigay ng
parusa. Nakapiyansa siya sa halagang $1,000.
PADALA NA! |
CALL US! |