Nasentensyahan ang Pilipina sa Eastern Magistracy |
Maliit lang kung tutuusin ang $500 na ninakaw ng isang Pilipina kamakailan pero para sa kay Magistrate Jason Wang ng Eastern Court, seryoso ang kaso dahil kasama nito ang paglabag sa tiwala, o breach of trust, at hindi dapat palampasin nang walang kulong.
Sinentensyahan niya kanina ng dalawang linggong pagkakakulong ang Pilipinang si M.C. Liboon, na umamin sa kasalanan sa unang pagdalo niya sa korte.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nagsimula ang kaso nang mapansin ng amo ni Liboon na nawawalan
siya ng pera sa bahay nila sa Quarry Bay, kaya isa-isa niyang inilista ang mga numero
ng pera sa kanyang pitaka.
Noong Apr 6, 2022 ay napansin niya na kulang ng isang
pirasong $500 ang laman ng kanyang pitaka. Tiningnan niya ang CCTV sa bahay at
nakita si Liboon na kinuha ang kanyang pitaka bago lumabas ng silid. Nang bumalik ito
sa silid ay ibinalik ang pitaka.
PRESS FOR DETAILS! |
Agad na tumawag ng pulis ang amo at nakita sa bulsa ng pantalon ni
Liboon ang nawawalang $500.
Bilang paghingi ng awa ng hukom, sinabi ng abugada ni Liboon na dumating ito sa Hong Kong bilang domestic helper noong 2017 upang suportahan ang kanyang inang may sakit sa bato at tatlo niyang ate na pawang walang trabaho.
Pindutin para sa detalye |
Si Liboon ay dalaga at may nakababatang kapatid na nagtatrabaho naman sa Middle East, dagdag ng abugada.
Namatay ang kanyang ina sa Covid-19 noong 2021 at hindi siya
nakauwi.
Nang magkasakit ang anak ng isa sa kanyang ate, sa kanya ito
humingi ng tulong.
BAN ON FLIGHTS FROM THE PHILIPPINES LIFTED ON APRIL 1. BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
At dahil malinis ang rekord ni Liboon at maliit lang naman daw ang
halagang ninakaw, humingi ang abugada ng pag-unawa at hiniling na bigyan ng isa pang pagkakataon si Liboon.
Pero ayon sa mahistrado ay dapat na tatlong linggong pagkakakulong ang sentensya ng akusado, pero dahil umamin sya sa kanyang pagkakasala at nagpakita ng pagsisisi, bukod pa sa nabawi ang pera sa kanya, binawasan niya ito ng isang linggo.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon pa kay Wang, pwede sanang patawan na lang ng parusang community
service, o pagsisilbi sa komunidad, si Liboon kung siya sana ay residente.
Pero dahil domestic helper siya na walang sariling tirahan, kailangang sa kulungan niya dapat pagsilbihan ang sentensya sa kanya.