Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Paalala ng Labour sa mga FDH; dalawahan pa rin sa grupo

14 April 2022

Ang Central, gaya nitong bungad ng underpass patungong City Hall, ay isa sa babantayan.

Nagpaalalang muli ang Labour Department sa mga foreign domestic helper na labag sa batas ang magkumpol nang sobra sa dalawa katao at hindi pagsuot ng facemask sa mga pampublikong lugar, para ngayong semana santa.

Sa isang patalastas, sinabi ng Labour na magpapakalat ng mga tauhan ang ilang ahensiya ng gobyerno upang magpaala sa pamamagitan ng sound system sa mga FDH na nakaistambay sa mga lugar na gaya ng Central, Tamar Park sa Admiralty, Victoria Park sa Causeway Bay, North Point Promenade, sa footbridge sa Mong Kok Road, Star Ferry Pier sa Tsim Sha Tsui, Morse Park sa Wong Tai Sin, at Tseung Kwan O Waterfront Park.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang multa sa mga mahuhuling lumabag ay $5,000.

Maliban sa Labour, ang mga ahensiyang kasama sa operasyon at may kanya-kanyang batas na ipinatutupad ay ang Hong Kong Police Force, Food and Environmental Hygiene Department, Home Affairs Department at Leisure and Cultural Services Department.

Ipinayo rin ng Labour na mas mabuting magpahinga na lang muna sa bahay kung maaari upang maiwasang mahawaan ng Covid-19.

PRESS FOR DETAILS! 

Kasabay nito ang paalala rin sa mga employer na may karapatan ang mga FDH na mag day off.  Dapat ay sang-ayon lagi ang FDH na hindi lumabas kundi ay labag ito sa pinirmahan nilang kasunduan ng employer.

Batay sa Employment Ordinance, kung magkasundo man ang dalawang panig na hindi muna lumabas ang FDH ay dapat na bigyan siya ng kahaliling day off sa loob ng buwan ding iyon.

BAN ON FLIGHTS FROM THE PHILIPPINES LIFTED ON APRIL 1. BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

“An employer who compels his/her FDH to work on a rest day without the agreement of the FDH or fails to grant rest days to the FDH is in breach of the Employment Ordinance and is liable to prosecution and, upon conviction, to a maximum fine of $50,000,” dagdag ng Labour. (Ang amo na pumilit sa kanyang FDH na magtrabaho sa kanyang araw ng pahinga na walang pagsang-ayon ang FDH o hindi magbigay ng araw ng pahinga sa FDH ay lumalabag sa Employment Ordinance at pananagutan sa batas at, kung mahatulan, ay magmumulta ng hanggang $50,000.)

Kung may hindi pagkakaunawaan sa gitna ng FDH at kanilang amo, pwede silang tumawag sa FDH hotline 2157 9537 (manned by 1823), mag- email sa fdh-enquiry@labour.gov.hk o sa online form sa www.fdh.labour.gov.hk.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Tinawag naman ang Gabriela, isang grupo ng kababaihang Pilipino, ang pahayag na ito ng Labour na  diskrimisnasyon laban sa mga migrant domestic worker (MDW).

Sinabi ni Shiela Tebia Bonifacio, pinuno ng Gabriela: “Sa halip na magbigay ng panuntunan para sa lahat ng mga taga HK ay sini-single out na naman ang mga MDWs na para bang sa mga area lamang ng mga migrante posibleng magkaroon ng virus infection. Nagkakaroon din ng malaking tipunan sa loob ng mga malls, MTR (at) market ngunit hindi nila dito iniimpose ang istriktong social distancing.

Dagdag niya: “Bakit sa tuwina ang pinupuntirya ng LD ay ang day off ng mga MDWs habang ang mga lokal na residente sa HK ay malayang nakakalabas-masok sa bahay?

“Sa halip na idiscriminate ang mga MDWs, mas mabuti na ang ipanawagan ng LD sa HK society ay mag-ingat ang lahat at isama sa protective scheme ang mga domestic workers. Dahil hindi sagot sa virus ang hindi paglabas ng mga MDWs.”

Don't Miss