Ang Eastern Court kung saan ginawa ang paglilitis |
Isang Pilipinang domestic helper ang umamin sa sakdal na pagnanakaw ng mga alahas, relo at ginto na pag-aari ng kanyang amo na nagkakahalaga ng $400,000 mula sa bahay nito sa Midlevels, Central, nang humarap sa Eastern Magistracy kanina.
SI Jemelyn A. Florentino, 31, ay umamin sa bawa’t isa sa pitong kaso ng pagnanakaw na inihain sa kanya ng pulisya.
Ayon sa sakdal, ninakaw ni Florentino ang mga mamahaling gamit ng amo sa pitong magkakahiwalay na okasyon:
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
- Isang pares ng kwintas na gawa sa ginto at perlas, noong Aug. 15, 2021.
- Isang relong Franck Muller noong Sept. 5, 2021.
- Dalawang palawit sa kwintas o pendant na kulay ginto noong Oct. 14, 2021.
- Isang ½ ounce na gold coin noong Oct. 14, 2021.
PRESS FOR DETAILS! |
- Dalawang ½ ounce na gold coin noong Oct. 15, 2021.
- Kwintas na silver noong Nov. 21, 2021.
- Isang relong Rolex noong Dec. 5, 2021.
BAN ON FLIGHTS FROM THE PHILIPPINES LIFTED ON APRIL 1. BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Ayon sa taga-usig, ang mga ninakaw na alahas ay natunton sa mga
pawnshop sa Wanchai at Central, kung saan isinangla ni Florentino ang mga ito sa kabuuang halaga na mahigit sa $16,000 lamang.
Sinabi naman ng abugado ni Florentino na napilitan siyang magnakaw dahil sa kahirapan.
Maliban sa pagiging isang solong magulang sa dalawang anak, siya rin
ang tumustos sa pagpapagamot ng ama niyang nagkasakit at namatay noong
nakalipas na taon, dagdag ng abogado.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sa isang sulat, sinabi ng isang kapatid ni Florentino na nagtatrabaho
rin sa Hong Kong, na ang nasasakdal ay isang mapagmahal na ina sa kanyang mga anak,
na gusto nang makauwi sa kanila sa lalong madaling panahon.
Itinakda naman ni Magistrate Leung Ka-kie ang pagsentensiya kay Florentino sa Apr 26.
Iniutos din ng hukom na gawan ng pagsasaliksik ang tunay na kalagayan ni Florentino.
Ibinalik siya sa piitan bago sa takdang araw ng kanyang sentensiya.