By The SUN
Sinentensiyahan ang Pilipina sa Eastern Magistracy |
Isang Pilipinang domestic helper ang sinentensyahan kanina ng siyam na buwan at 11 linggong pagkabilanggo (o dagdag na dalawang buwan at tatlong linggo) matapos umamin sa pitong kaso ng pagnanakaw ng alahas at relo ng among nakatira sa Conduit Road, Mid-Levels.
Binigyang diin ni Magistrate Leung Ka Kie na maliban sa $433,000 na halaga ng ninakaw, ang krimen ay isang paglabag sa tiwalang ibinibigay sa helper ng isang amo.
Nang iharap siya sa Eastern Magistracy noong April 12, isa-isang namin ni Emalyn Florentino ang pitong paratang na inihain ng pulis laban sa kanya.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Kanina, luhaang tinanggap ni Florentino ang hatol matapos hilingin ng kanyang abugado ang mas magaan na parusa para sa kanya.
Sinabi ng abugado na malinis ang record ni Florentino sa buong pamamalagi niya sa Hong Kong.
Sinabi rin niya na ang mismong amo ni Florentno ay nagpadala ng sulat na humihingi ng pang-unawa sa kanyang katulong na napilitan lang daw magnakaw dahil nagipit.
PRESS FOR DETAILS! |
Ang lahat ng ninakaw ni Florentino ay natunton sa mga sanglaan, at $24,500 lang ang nakuha niya mula sa pagprenda sa mga ito. Nakikipag-usap diumano ngayon ang amo sa mga sanglaan kung magkano ang dapat niyang bayaran para mabawi ang kanyang mga alahas.
Ang bawa’t kaso ng pagnanakaw ay binigyan ni Magistrate Leung ng kaukulang parusa, na may diskwentong 1/3.
1. Sa pagnanakaw ng isang pares ng kwintas na gawa sa ginto at perlas noong Aug. 15, 2021 -- tatlong linggo, na ginawang dalawang linggo.
Press for details |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ipinag-utos din ni Magistrate Leung na ang parusa sa ika-7 kaso ay kasabay na tatakbo ng isang buwan sa kasong ika 2, at isang linggo sa limang natirang kaso.
Kaya ang suma, 11 buwan at isang linggo ang ilalagi ni Florentino sa kulungan.