Isang Pilipino ang nakulong matapos umamin sa West Kowloon Magistracy na nag-overstay siya sa Hong Kong nang mahigit dalawang taon.
Umamin si Jerome C. Yumul, 51, ng "Breach of condition of stay - overstay" sa harap ni Magistrate Colin Wong Sze-Cheung Noong Jan. 31 matapos basahan ng kaso na isinalin sa Tagalog ng isang interpreter.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon sa salaysay laban sa kanya, inaresto si Yumul noong Jan. 11 matapos masangkot sa isang away sa tabi ng Shek Kip Mei MTR Station.
Sa Sham Shui Po police station kung saan siya dinala, itinawag ng pulis na nag-imbestiga sa kaso ang kanyang Hong Kong ID sa Immigraton Department at nalaman ditong ilegal na siyang naglalagi sa Hong Kong simula pa noong November 2019.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Dumating si Yumul sa Hong Kong noong 2017 bilang domestic helper. Tatlong buwan lang ang itinagal niya sa employer nang materminate siya.
Nakakuha siya ng ilang visa extension mula sa sa Immigration Department dahil kinasuhan niya ang kanyang employer at dinidinig pa ito. Ang huli niyang extension ay noong Oct. 8, 2019.
CONTACT US! |
Ayon sa salaysay, tumigil sa pagkuha ng visa extension si Yumul dahil nawala daw niya ang kanyang passport. Nang matapos ang huling visa na iginawad sa kanya ay naging ilegal na ang paglagi niya sa Hong Kong.
Ayon sa abugado ni Yumul, hindi daw nito naasikaso ang pagkuha ng visa para manatiling legal ang pagtigil nya sa Hong Kong dahil napaalis siya sa bahay na kanyang tinitirhan at nawala ang kanyang passport.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Dahil dito, napabayaan na rin niya ang kanyang kaso sa Labour Tribunal, na dahilan ng pagbibigay sa kanya ng visa extension.
Hiningi rin ng abugado na huwag nang ikulong si Yumul.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pero ayon sa hukom, hindi wasto na walang parusang kulong sa ganitong paglabag ng Immigration Ordinance, na nagtatakda ng parusang pagkakakulong ng hanggang dalawang taon at multang $50,000.
Ibinaba na lang ni Magistrate Wong ang parusa sa anim na linggo.