Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pinoy DH ikinulong ng 2 buwan dahil sa ilegal na trabaho

11 February 2022

Nahatulan ng pagkabilanggo ang isang Pinoy DH dahil sa ilegal na trabaho.

Isang Pilipino ang ipinakulong ng dalawang buwan kanina matapos umaming ilegal na nagtrabaho sa tindahan ng kanyang amo, samantalang  domestic helper ang visa niya.

Napaluha si R.C. Roberto nang ilayo ng mga pulis mula sa harap ng hukom sa Shatin Magistracy pagkatapos niyang masentensiyahan ng "breach of condition of stay," at dalhin sa isang kuwarto para hintayin ang paglipat sa kanya sa kulungan.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Kasabay niyang humarap sa kaparehong akusasyon ang isa pang domestic helper, si L. Ladrillo, na humingi ng palugit hanggang Mar 11 para harapin ang kanyang kaso, na sinang-ayunan naman ni Acting Principal Magistrate David Cheung Chi-way.

Ayon sa sakdal na binasa sa kanya at isinalin sa Tagalog ng interpreter,  hinuli si Roberto noong Mar. 6, 2021 nang mag-imbestiga ang mga pulis sa isang tindahan ng marine products ng kanyang amo sa Sai Ying Pun.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nagpunta ang mga imbestigador sa umaga at hapon, at sa parehong pagkakataon, nakita siyang may suot na asul na t-shirt na may marka ng kumpanya at nagsisilbi sa mga parokyano.

Ayon sa isang testigo ng taga-usig, si Roberto ay nagtatrabaho sa lugar na ito mula ika-9 ng umaga hanggang ika-8 ng gabi.

Pindutin para sa detalye

Nang tanungin siya kung tinatanggap niya ang salaysay, sumagot si Roberto ng oo.

Humingi ng pang-unawa kay Magistrate Cheung ang abugado ni Roberto, na nagsabing may malinis na record ang akusado simula nang dumating ito sa Hong Kong noong November 2018.

CONTACT US!

Sinabi niya na ang employer ni Roberto ay may kapansanan, kaya kailangan na laging may naka-alalay hanggang sa lugar ng kanyang negosyo. Nagsabi rin ang amo na kukunin pa rin niya si Roberto kung papayagan itong magtrabahong muli sa Hong Kong.

Ayon din sa abugado, si Roberto ay tumutulong sa tindahan dahil napakiusapan lang ng mga empleyado nito.

Press for details

Hindi siya binabayaran nang dagdag sa ginagawa sa tindahan ng amo. At sa sahod niyang $5,000, $3,500 ang ipinadadala niya sa pamilya sa Pilipinas.

Ayon kay Magistrate Cheung, isinaalang-alang niya ang malinis na rekord ni Roberto, ang kanyang pag-amin, at ang paliwanag kung bakit kailangan siyang kasama ng among may kapansanan kahit sa trabaho nito.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang nararapat na parusa kay Roberto aniya, ay tatlong buwang pagkabilanggo. Binigyan niya ito ng 1/3 na discount dahil sa pag-amin kaya naging dalawang buwan ang sentensiya.

Ayon sa Immigration Ordinance ng Hong Kong, ang parusa sa paglabag sa condition of stay ay multang hanggang $50,000 at pagkakakulong na hanggang dalawang taon. -- LD

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Don't Miss