Mahigit kalahati ang inalis sa inaasahang multa at parusa sa Pinay. |
Pinayagang magbayad ng hulugan ang isang Pilipina ng multang
$5,000 matapos na umamin sa kasong paglahok sa isang pagtitipon na ipinagbabawal
ng gobyerno (o “prohibited group gathering”) upang labanan ang pagkalat ng
Covid-19.
Magbabayad si C. L. Escaner, 35, ng multa sa loob ng
13 buwan simula sa March 4. Sa unang 12 buwan ay $400 ang babayaran niya at sa
huling buwan ay $200.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sa harap ni Deputy
Magistrate Kwan Kai-yu ng Eastern Magistracy, inamin ni Escaner ang paratang
at humingi ng kaluwagan sa parusa sa kanyang paglabag.
Ang hatol ay kulang sa kalahati ng inaasahang bayarin sana ni Escaner, na hindi nabayaran ang multang $5,000 sa loob ng itinakdang panahon, kaya siya pinatawag sa korte.
Ayon sa summons na ipinadala sa kanya ng korte, pinayagan siya na magbayad dalawang araw bago ang takdang pagdinig pero hindi niya nagawa. Inutusan siyang magbayad ng $10,500 na binubuo ng $5,000 bilang multa, $5,000 na dagdag parusa at $500 bilang gastos ng korte.
CONTACT US! |
Dahil sa kanyang pakiusap ay ibinaba ang halaga sa dating multa, at pinayagan pa siyang hulugan ito.
Kinasuhan ng pulis si Escaner noong Nov.17 ng paglabag
ng “Prevention and Control of Disease (Prohibition on Group Gathering) Regulation”
matapos itong mahuli sa isang pagtitipon sa ikatlong palapag ng isang gusali sa Lan Kwai Fong noong 2:38am
ng June 4, 2021.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Samantala, sa isang hiwalay na kaso, binawi ang kaparehong utos kay L.Villamin na humarap sa korte para sa sakdal na hindi siya nagsuot ng face mask habang nasa pampublikong lugar, na isang paglabag sa Cap.599I o Prevention and Control of Disease (Wearing of Mask) Regulation.
Ayon sa sakdal, nahuli si Villamin na walang suot na face mask noong gabi ng Feb. 4 2021 sa Peel St. sa Central. Dahil hindi nabayaran ang tinakdang multa na $5k ay kinasuhan siya noong Jul 16, 2021
Nakatakdang dinggin ni Magistrate Kwan ang kaso kanina, pero hindi na itinuloy dahil nabayaran na ang multa.
PADALA NA! |