Nagyakap ang akusado at ang umalalay sa kanya mula sa Mission pagkatapos ng kaso |
Tanggap na ni M. L. Tambaoan, tubong San Fabian, Pangasinan, na makukulong siya nang umamin siya sa salang pananakit sa Eastern Court kanina sa harap ni Magistrate Jason Wan Siu-ming. Kaya naiyak siya nang sabihin ni Magistrate Wan na hindi kulong ang kailangang parusa sa kanyang kaso, kung hindi multa na $2,000.
“Handa na akong sa kulungan magcelebrate ng birthday ng
bunso ko,” salaysay ni Tambaoan matapos lumabas sa korte.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Noong una ay “not guilty” ang sagot niya sa akusasyon na sinaktan niya si Helen Garcia na kapwa niya domestic helper sa isang bahay na may anim na helper sa
Mid-Levels. Pero sa ginanap na pagdinig ngayon ay nagdesisyon siyang aminin ang sakdal na pananakit.
Nagdesisyon si Magistrate Wan na hindi ipakulong si Tambaoan dahil sa loob ng 11 taon na pagtatrabaho nito sa Hong Kong ay ngayon lang siya nasampahan ng kaso. Sabi din nya, ang nangyaring pananakit ay bugso ng emosyon, at ang natamong pinsala ni Garcia ay hindi seryoso.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Bukod dito ay nawalan pa ng trabaho si Tambaoan dahil na-terminate siya
pagkatapos ng insidente -- isang bagay na itinuring ni Magistrate Wan na sapat
nang parusa kay Tambaoan.
Samantala, nasa labas ng korte si Garcia at naghihintay na tawagin upang tumestigo dahil sa unang naging pagtanggi ni Tambaoan sa kaso. Nalaman na lang niya sa bandang huli na inamin na ni Tambaoan ang sakdal at tapos na ang kaso nang maglabasan ang isang grupo ng mga Pilipina na kasama ang nanakit sa kanya.
CONTACT US! |
Tinangkang pag-ayusin silang dalawa ni Esther Bagcawayan,
case officer ng Mission for Migrant Workers na tumulong kay Tambaoan, pero nabigo ito. Humingi ng
paumanhin si Tambaoan, ngunit pinili ni Garcia na lumakad palayo.
Nangyari ang pananakit noong July 4, 2021.
HOW? NARITO ANG DETALYE! |
Ayon sa binasang akusasyon, itinulak ni Tambaoan si Garcia,
na napaupo, pagkatapos silang magtalo sa bahay ng amo. Nagpunta si Garcia sa
Ruttonjee Hospital upang magpa-eksamin, kung saan nakita na may pasa siya sa dibdib. Si Tambaoan
naman ay nag-report ng nangyari sa police.
Sa sumunod na buwan, kinasuhan ng police si Tambaoan at
pinagpiyansa ng $500. Sinesante din siya ng amo.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ngayon ay plano niyang maghanap ng bagong employer upang makabawi
sa anim na buwang hindi siya nakapag-padala ng sustento sa kanyang tatlong anak
sa San Fabian. Siya ay hiwalay sa asawa.
PADALA NA! |