Ang nasasakdal noong siya ay inaresto. (Larawan mula sa Sing Tao Daily) |
Itutuloy sa Mayo 10 ang kaso ng isang Pilipina na inakusahang pumatay sa bagong silang niyang anak na babae sa Lantau noong Feb. 1, 2020.
Humarap kanina si J.G.Villanueva, 23, sa Eastern Magistracy sa sakdal na manslaughter, na may parusa sa ilalim ng Offenses against the Person Ordinance, ng hanggang habambuhay na pagkabilanggo at multang ipapataw ng korte.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon sa kanyang abogado,
kailangan pa nila ng dagdag na palugit upang makumpleto ang hinihintay na resulta ng isinagawang medical
at psychological na pagsusuri sa akusado.
Kailangan pa rin daw kausapin ang tagausig kung dapat bang palitan ang kasong dapat harapin ni Villanueva,
ayon sa abogado.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pumayag naman si Magistrate Jackie Ip Kai-Leung sa hiling ng abogado ni
Villanueva matapos na hindi tumutol ang tagausig.
Mananatiling nakakulong
ang Pilipina, na dating nagtatrabaho bilang receptionist sa isang gym, at hindi na siya muling humiling na payagan siyang magpiyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.
Press for details |
Unang kinasuhan sa West
Kowloon Court si Villanueva noong Feb 2, 2020, matapos makita ang isang patay na sanggol sa isang maliit na daanan katabi ng gusaling tinitirhan niya sa Tong Fuk Tsuen, Lantau South.
Nakita ng mga pulis na nakakabit pa ang umbilical cord at placenta sa sanggol na babae, pero patay na ito.
Lumabas sa imbestigasyon
ng pulis na ang bata ay itinapon mula sa mataas na lugar, at si Villanueva ang
ina.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Unang kinasuhan si Villanueva ng pag-abandona sa sanggol, pagkatapos ay ang pagtatago ng pagpanganak niya dito. Matapos ang karagdagang pag-iimbestiga ng mga pulis ay pinalitan ng manslaughter ang sakdal sa kanya noong Aug. 6, 2020.
Hiniling ni Villanueva na payagan siyang lumaya pansamantala kapalit ng $20,000 na piyansa pero hindi siya pinayagan ng korte.
CALL US! |