Nagkaayos ang dating mag-amo matapos ang paliwanagan. |
Nagwakas sa areglo ang kasong inihain ng isang Pilipina sa Labour Tribunal upang habulin ang dapat bayaran ng among nagsisante sa kanya noong gabi ng July 30, 2021 sa Cheung Chau.
Naganap
ang pagkakasundo nina Sany Jane Caronan at dati niyang among si Damian George
Flynn noong Feb 16 matapos silang paliwanagan ni Presiding
Officer Jo Siu tungkol sa tatlong bayarin na pinagtalunan sa kaso.
Ang
unang hiningi ni Caronan ay $100 para sa pagkain at iba pang gastos sa
pag-uwi niya mula Maynila hanggang Isabela, na agad sinang-ayunan ng dating amo.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang pangalawa
ay ang $4,500 na hiningi niyang pamasahe sa paglipad pa-Manila. Inalmahan ito ni
Flynn na nag-alok ng $1,827. Pero ayon kay Siu, ang karaniwang presyo ng tiket
ngayong panahon ng pandemya ay $3,000, kaya pumayag dito ang magkabilang panig.
Tumagal
ang usapan sa ikatlong hiling ni Caronan, na nasa kontratang pinirmahan
nilang mag-amo: isang buwang suweldo kapalit ng abiso (in lieu of notice) ng
kanyang pagkasisante.
Ipinilit
ni Flyn ang karapatan niyang magsisante, at dahil may mabigat na rason daw ito – katulad ng pabaya sa
trabaho si Caronan at hindi ito sumusunod sa utos– ay hindi niya na kailangang
magbayad ng para sa "notice."
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Hindi rin
daw nagpapaalam si Caronan kapag umaalis sa kanyang day off, kaya naiiwang
mag-isa ang anak niya. Nang tanungin kung bakit nagkakaganito, ipinaliwanag ni
Flynn na nakahiwalay sa bahay ang kwartong tinutulugan nilang mag-asawa.
Sinabi
rin ni Flynn na ang anak niya ay nagkaroon ng problema sa pag-uugali, dahil
sinisipa niya si Caronan. Inutusan daw nila ang helper na isumbong sa kanila kapag
ginawa ulit ito ng bata, pero hindi na nagsumbong ito.
Pindutin para sa detalye |
Dito
sumingit si Siu upang sabihin na ang paghubog ng ugali ng kanilang anak ay lampas
na sa dapat asahan sa isang domestic helper.
Idinagdag
niya na ang mga ipinakitang pruweba ng magkabilang panig ay hindi sapat, kaya kung
magpapatigasan sila, maaaring isampa sa korte ang kanilang kaso.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sinabi niya kay Caronan na hindi niya gustong tumagal ito sa Hong Kong nang walang trabaho, dahil matatagalan bago masisimulan sa korte ang kaso at hindi siya bibigyan ng bagong employment visa ng Immigration Department habang dinidinig pa ito.
Kay
Flynn, inisa-isa niya ang bigat ng pagkakaroon ng kaso, gaya ng anim na araw na
gugugulin para sa hearing na pwede niyang gamitin sa paghahanap-buhay.
CONTACT US! |
Kaya
iminungkahi niya sa magkabilang panig na magkasundo sa isang presyo bilang kabayaran
sa lahat ng hinahabol ni Caronan. Ang kapalit nito ay walang ituturong may
kasalanan, at hindi na sila pwedeng maghabla laban sa isa’t isa tungkol sa kaso.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nag-alok si Caronan na bawasan ng kalahati ang kanyang hinahabol, ngunit iminungkahi ni Siu ang kabuuang kabayarang $5,300. Agad namang tinanggap ito ng magkabilang panig, at noon din ay pinirmahan nila ang kasunduan.