Hindi na nahintay ng Pilipina ang desisyon ng korte. |
Hindi na nahintay ng isang Pilipinang asylum-seeker ang desisyon ng Court of First Instance sa kanyang kaso noong Feb. 17, at nagpasyang umuwi na lang. Sabi niya, unti-unti na daw lumilinaw ang kanyang kaso at hindi na siya natatakot umuwi.
Si Mary Grace Oliveros, na ayon sa korte ay isang illegal immigrant, ay dati nang humingi ng proteksiyon laban sa pwersahang pagpapauwi sa kanya sa Pilipinas noon.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nang dumulog siya sa Immigration
Department ay sinabi niyang nangangamba siyang sasaktan o papatayin siya
kung pauuwiin sa Pilipinas.
Pero ibinasura ng
Immigration ang kanyang hiling na asylum, at pinagtibay ito ng Torture Claims Appeal Board nang umapela siya.
PINDUTIN PARA SA DETALY |
Noong Feb. 19, 2019 ay hiniling niya sa mataas ng hukuman na dinggin ang apela niya laban
sa desisyon ng Immigration at TCAB, at humantong ang usapin sa ilalim ni Deputy
High Court Judge K.W. Lung.
Pero
noong Aug. 14, 2019, iniurong ni Oliveros ag kanyang hiling sa pamamagitan ng sulat.
CONTACT US! |
“…I
want to cancel my appeal and I want to go back my country Philippines. My
problem is little by little solved and I feel safe to go back home as soon as
possible,” ika niya sa kanyang petisyon.
Dahil
dito, hindi na kinailangang magdesisyon si
Judge Lung.
Press for details |
Sa
halip, ang sumulat ng desisyon para sa korte ay si M.O. Wong, registrar ng High
Court.
Sinabi
ni Wong na dahil sa pag-urong ni Oliveros, wala nang saysay kung itutuloy pa rin ang pagdinig sa kanyang kaso.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Lumabas
ang desisyon tatlong taon matapos isampa ni Oliveros ang apela niya sa korte.
CALL US! |