Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

'Vaccine pass,' sinimulan nang ipatupad

24 February 2022

Mga paalala tungkol sa Vaccine Pass sa Jollibee sa North Point.


Nagsimula na ngayon (Feb. 24) ang paggamit ng Vaccine Pass upang hadlangang makapasok ang mga hindi pa nabakunahan sa halos lahat ng mga pampublikong lugar sa Hong Kong.

Ito ay isa sa mga ipinatutupad na tuntunin laban sa pagkalat ng Covid-19.


PINDUTIN PARA SA DETALYE


Ang mga lugar na kailangan ng Vaccine Pass ay mga catering business gaya ng restaurant, amusement game center, bathhouse, fitness center, amusement place, lugar ng public entertainment, party room,  nightclub, karaoke, laruan ng mahjong, club house, lugar pampalakasan, swimming pool, cruise ship, mga lugar na pinagdarausan ng event, simbahan,  beauty parlor, barber shop at hair salon, shopping mall, department store, supermarket, palengke, hotel at guesthouse.

CONTACT US!
Ipinatutupad din ang Vaccine Pass sa mga paaralan, opisina ng gobyerno, ospital, at sa mga care home para sa matatanda at mga may kapansanan.

Ang mga lugar na ito ay obligadong maniguro na lahat ng pumapasok sa kanila ay bakunado sa pamamagitan ng scanning sa kanilang pasukan. 

Hindi kasama sa kanila ang mga palengke, shopping mall, department store, supermarket, hotel at guesthouse kung saan mas praktikal na gawin ang spot check sa mga taong naroroon.

Press for details

Halimbawa, ang mga pumapasok sa mga kainan ay hindi lang kailangang mag-scan ng kanilang Leave Home Safe app sa naka-paskel na QR code para dito, kailangan din itong idaan sa isa pang scanner na magpapakita ng kanilang sertipiko ng bakuna o exemption.

Ang mga nabakunahan sa labas ng Hong Kong ay obligado ring magpakita ng kanilang sertipiko. Kung sila ay hindi bakunado dahil exempted o edad 12 pababa – obligado silang isulat ang kanilang personall na detalye sa isang form para dito.

Mga bakunado na lang ang maaring pumasok sa maraming lugar simula ngayon

Sa mga mall at iba pang lugar  kailangan pa ding mag-scan ng QR code gamit ang kanilang LHS app. Hindi sila kailangang magpakita ng kanilang patunay para sa bakuna, pero dapat tandaan na may  magpapatrulya na pwedeng hingiin ito pagpasok nila sa loob.

Kapag wala silang maipakitang patunay na sila ay nabakunahan na, o hindi sila exempted sa bakuna, ang nakatakdang multa ay $5,000, ayon sa Prevention and Control of Disease (Requirements and Directions) (Business and Premises) Regulation (Cap. 599F).

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nagbabala si Chief Executive Carrie Lam na dodoblehin ang multa, pero hindi pa sigurado kung kailan ito ipatutupad

CALL US!



Don't Miss