Ang website ng isang kumanya kung saan ang mga subscriber ay dapat i-rehistro ng kanilang SIM. |
Magsisimula na bukas (March 1) ang Real Name Registration (RNR) ng lahat ng SIM card na nagpapatakbo ng mga mobile phone na ginagamit sa Hong Kong.
Lahat ng gumagamit ng pre-paid na SIM card – iyong binibili
na may laman ay binibilhan ng load kung ubos na -- ay kailangan mag-rehistro sa
ilalim ng kanilang pangalan, na may patunay ng kanilang pagkakakilanlan.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang mga bagong pre-paid SIM card naman ay kailangang
i-rehistro muna sa RNR bago ma-activate.
Ang mga gumagamit ng post-paid SIM card, o iyong mayroong
binabayaran buwan-buwan, ay hindi na kailangang mag-rehistro dahil nakuha na ng
kumpanya ang kanilang personal na detalye noong sinimulan nila ang serbisyo. Kailangan
lang silang mag-rehistro ulit kung magpapalit sila ng kumpanyang nagseserbisyo o
numero ng telepono.
CONTACT US! |
Ang pagre-rehistro ng SIM card ay hinihingi ng
Telecommunications (Registration of SIM Cards) Regulation , na nagkabisa noong September 1, 2021.
Nagsimula na ang mga mobile phone company na magpadala ng mensaheng SMS upang hikayatin ang kanilang mga customer na magparehistro.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon sa ilang kumpanyang napagtanungan ng The SUN, madali lang ang proseso:
- Sundan ang ipinadalang SMS o poster ng phone company upang pumunta sa website na nakalaan dito.
- Sagutin ang mga tanong sa form (pangalan, birth date at HKID number).
- Kunan ang iyong HKID o passport at ipadala.
Madali lang ang proseso, ayon sa mga kumpanya. |
Ang mga may edad at iba pang mahihirapang mag-rehistro ay pwedeng matulungan ng iba’t ibang NGO na naabisuhan ng gobyerno at mga retail outlet ng mga kumpanya ng telepono.
Ang deadline sa pagrehistro ay sa Feb. 23, 2023 pa, pero
ilan sa mga phone company ay may Iba’t ibang paraan upang hikayating
mag-rehistro ang kanilang subscriber nang mas maaga.
Isa sa kanila ay may pa-raffle bawa’t linggo hanggang April
24, na ang premyo ay iPhone 13 o libreng serbisyo sa isang taon.
May promo para sa rehistro. |
Kapag hindi nai-rehistro ang isang SIM card bago mag-deadline, hindi
na magagamit ito.
Ayon sa isang press statement ng gobyerno, pagbubutihin pa
ang sistema ng rehistro. Kung may makitang problema, pwedeng sumangguni sa website
ng Office of the Communications Authority (www.ofca.gov.hk/simreg) o tumawag sa
hotline (2961 6699).
CALL US! |