Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Manatili sa bahay kapag nagpositibo sa Covid-19, sabi ni Congen

17 February 2022

 By The SUN

Tulungan natin na masugpo ang Covid-19 sa HK, sabi ni Congen

Nanawagan si Consul General Raly Tejada sa mga Pilipino sa Hong Kong na sumunod sa mga patakaran bilang pakikiisa sa pagsugpo sa paglaganap ng Covid-19 dito.

Halimbawa, ang mga nakatanggap ng abiso na nagpositibo sila sa coronavirus ay dapat manatili sa bahay alinsunod sa abiso ng gobyerno.

“Doon sa mga kababayan natin na, sad to say, ay preliminary positive after testing o positive, ang kasulukuyan pong gabay ng ating Center for Health Protection ay manatili lang sa bahay at antayin ang patnubay at tawag ng CHP,” ika ni Congen Tejada sa isang video message na inilathala sa Facebook page ng Konsulado kahapon.

“Kung kayo naman ay may mild or moderate symptoms, manatili po tayo sa bahay at huwag lalabas. Ang CHP po ang tatawag sa inyo kung magkakaroon po ng bakante sa kanilang ospital sapagkat po sa dami ng nagkakasakit. Almost 10,000 po ngayon ang naghihintay na maasikaso o mabigyan ng hospital room or quarantine room dito sa Hong Kong.

“At iyon naman pong mayroong seryosong sintomas, tulad ng pagsisikip ng dibdib, pananakit ng katawan at pag-ubo at may serious breathing difficulties, yan po ay kailangang itawag po ninyo ng ambulansiya at nang madala kayo for admission sa hospital.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang payo naman ni Congen Tejada sa mga lumalabas tuwing day off ay sumunod sa social distancing rules: dalawa lang ang pwedeng magkasama sa grupo, at laging magsuot ng facemask kapag nasa labas.

“Last weekend, marami pong natiketan, marami pong nasita, sapagkat hindi po sumusunod. At ako po’y natawagan ng mga autoridad ng Hong Kong to remind you, aking mahal na kababayan, na sana po tayo’y sumunod sapagkat sila mismo, ayaw din po nilang magtiket,” ika niya. 

PINDUTIN PARA SA DETALYE

“Ngunit kung ito po ay tinatawag ng pagkakataon at kayo po ay totoong nahuli, despite repeated warnings, sila po ay compelled by law to issue a ticket.”

Nanghinayang siya sa mawawala sa nahuli. “$5,000 din po iyon at hindi maliit na halaga. Napakasakit po na yung pinaghirapan po natin ng isang buwan ay mapuputa lang doon,” dagdag niya.

CONTACT US!

Sinabi rin niya na kung makatanggap ng compulsory testing notice ay sumunod agad at mag-tungo sa pinakamalapit na testing center upang malaman kung sila ay ligtas at maiwasan na rin ang multang $10,000.

“Kailangan po nating magkaisa at kailangan nating tulungan ang Hong Kong at ang ating sarili  na magapi ang Covid-19 dito,” ika niya.

Press for details


PINDUTIN PARA SA DETALYE

Binigyang-diin niya ang “lumalalang sitwasyon ng pandemya at patuloy na pag-akyat ng bilang ng mga Covid-19 positive at impeksiyon dito sa Hong kong.”

Ayon kay Congen, mananatiling bukas ang Konsulado, mula Linggo hanggang Huwebes, upang pagsilbihan ang Filipino community.

Pero hiniling rin niya na kung pwedeng ipagpaliban na lang ng mga Pilipino ang kanilang transaksyon ay huwag na muna silang magpunta sa Konsulado. 


Don't Miss