Hahatulan na sana kaninang umaga sa Eastern Magistracy ang isang Pilipino sa kasong pagpapatakbo ng isang pasugalan at pagtataglay ng droga, nang mapansing wala siya sa korte.
Tumayo ang abogado ni Archie J. Manlangit, 41, upang sabihin na ayon sa HK Correctional Services kung saan siya ay nakapiit, hindi ito makakarating dahil nag-positibo sa Covid-19.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Hiningi ng abugado na ipagpaliban ang pagsentensiya sa nasasakdal sa Feb. 21, sa sinang-ayunan naman ni Magistrate Edward Wong Chin-yu.
At dahil hindi siya humiling na palayain kapalit ng piyansa,
si Manlangit ay mananatili sa piitan.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Si Manlangit, na walang trabaho at nakatira sa Lantau, ay
isa sa 10 na nahuli sa raid ng police sa isang pasugalan sa Southern Bldg,
257-273 King’s Road, North Point, noong July 29, 2021.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Kasama ni Manlangit na inaresto ang apat pang Pilipino – sina Elena M. Guardacasa, Rodenda V. Sugatan, Edardo dela Cruz Jr. at RJ Requero
--at limang Intsik, pero tanging ang kaso laban sa kanya ang dininig ngayon.
CONTACT US! |
Ang nagsampa ng reklamo laban sa akusado ay ang District Anti-Triad Section ng
HK Police.
Ayon sa report ng pulis na nag-raid sa pasugalan sa North
Point, nakita diumano sa poder ni Manlangit ang 0.84 gramo ng shabu (methamphetamine hydrochloride),
na nakasilid sa dalawang supot na plastic.
Press for details |
Ito ay labag sa Section 8 (1) (a) at (2) ng Dangerous Drugs
Ordinance ng Hong Kong. Ang nakatakdang parusa dito ay multa na pwedeng umabot
sa $1 million at pagkakakulong na wedeng tumagal ng 7 taon.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Dahil itinakda na ang sentensya, ibig sabihin ay inamin ni Manlangit ang sakdal, o napatunayan ito sa isang paglilitis.