Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

FDH pinaalalahanan: Bantay laban sa pagtitipon-tipon magiging mas istrikto

12 February 2022

Mas mahigpit daw ang gagawing pagbabantay sa mga puntahan ng FDH sa kanilang day-off.

Nagpaalalang muli ang gobyerno ng Hong Kong sa mga foreign domestc helper (FDH) na istriktong sumunod sa mga patakaran para maiwasang mahawa sa Covid-19 sa araw ng kanilang day-off, o masita at utusang magmulta ng mga nagbabantay.

Ito ang mga dapat tandaan:

Kailangang naka-suot ng facemask sa lahat ng pagkakataong nasa publikong lugar.

Dalawa na lang ang pwedeng magkumpol sa mga pampublikong lugar, na ibinaba mula apat.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Mga miyembro lang ng dalawang kabahayan o pamilya ang maaring magsama sa iisang lugar

Ipinagbabawal na rin ang pagtitipon sa mga simbahan 

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon sa Labour Department, kabilang sa mga magpapatupad ng bagong regulasyon ang mga tauhan ng Hong Kong Police Force, Food and Environmental Hygiene Department, Home Affairs Department at Leisure and Cultural Services Department. 

Pindutin para sa detalye

Sila ay maglilibot sa may dalang sound system upang mag-broadcast ng mga paalala sa mga nakasanayan nang puntahan ng mga FDH, gaya ng Central, Tamar Park sa Admiralty, Victoria Park sa Causeway Bay, Tsuen Wan Park, ang footbridge malapit sa Fa Yuen Street sa Mong Kok at iba pa.

Mayroon silang mga kasama na may kapagyarihang manghuli ng mga lumalaban sa patakaran. Inaasahang masita, o parusahan ng multang $5,000, ang mga lumalabag sa patakaran.

CONTACT US!

Sa isang press statement, sinabi ng Labour: "We remind FDHs to strictly observe the requirements and appeal to them to avoid gatherings (including those in boarding facilities), food sharing and other social activities on their rest days and holidays, and stay at home for rest as far as possible in order to safeguard their personal health and reduce the risk of infection. We also appeal to employers to explain the current special circumstances when discussing rest day arrangements with their FDHs and call for their mutual understanding."

Nilinaw din ng Labour na ayon sa Employment Ordinance, pwedeng magkasundo ang DH at employer na gawin ang dayoff sa ibang araw, basta ito ay nasa loob ng susunod na 30 araw. 

Press for details

Bawal rin pagtrabahuin ang isang DH sa araw ng pahinga nito.

Ang isang employer na nagpapatrabaho ng kanyang kasambahay sa araw ng pahinga na walang pahintulot nito, ay lumalabag sa Employment Ordinance at pwedeng ireklamo sa salang may parusang aabot sa $50,000, dagdag pa ng Labour. 

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ipinaalala rin ng Labour sa mga FDH na hindi pa bakunado na may karapatan sila sa libreng bakuna upang maprotektahan nila hindi lang ang sarili kundi ang iba pa sa kanilang kabahayan. Pwedeng magpa-schedule sa COVID-19 Vaccination Programme website (www.covidvaccine.gov.hk). 

Ang mga may tanong ay pwedeng tumawag sa FDH hotine sa 2157 9537, o magpadala ng email sa fdh-enquiry@labour.gov.hk o sa portal na itinayo para sa mga FDH (www.fdh.labour.gov.hk).

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!


Don't Miss