Inamin ni Garcia ang kasalanan nang humarap sa Kwun Tong Court |
Ang ginawa ni M. V. Garcia ang nagdala sa kanya sa Kwun Tong Magistracy sa demandang criminal damage, sa harap ni Principal Magistrate Bina Chainrai.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon sa dokumentong binasa sa kanya at isinalin ng interpreter sa Ilocano, ginalusan ni Garcia ang kotse ng kapitbahay nila sa Sai Kung nang tatlong beses mula Agosto hanggang Oktubre ng 2021.
Ang sagot niya sa lahat ng paratang: Guilty.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Bago nagsabi ng kanyang hatol si Judge Chainrai, hiniling ng abogado ni Garcia na hindi ito ikulong ng dahil sa nagawa niya, lalo at agad naman niyang inamin.
Isa pa, kasama sa kanyang trabaho bilang domestic helper ang mag-alaga ng isang may Alzheimer's disease na kailangan siya araw-araw.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
"She is sorry for what she has done (nagsisisi siya sa kanyang ginawa)," dagdag ng tagapagtanggol.
Dagdag pa ng abugado, mula pa noong 1993 ay nagtatrabaho na sa Hong Kong si Garcia at may malinis siyang rekord.
Press for details |
At, sa edad na 64, siya pa rin ang tumutustos sa ikinabubuhay ng kanyang pamilya sa Pilipinas -- dalawang anak, apat na apo at ang kanyang ina na 84 taong gulang.
Sumagot dito si Chainrai: "She should not support them, should she? (Hindi na niya dapat silang suportahan, hindi ba?)"
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Maliban sa hindi pagsang-ayon sa napiling pamumuhay ni Garcia, hinatulan ni Chainrai ito ng multang $1,000, at $2,000 bilang kabayaran sa nasira niya.
CALL US! |