Ni Daisy CL Mandap
Ilang banig na perang tig P500 ang iniregalo ni Gigi sa kasal ng kapatid niyang si Dioralyn |
Wala na sigurong hihigit pa sa ipinakitang pagmamahal
kamakailan ni Joramae “Gigi” Estacio, isang domestic helper sa
Nang ikasal ang ate niya sa nobyong si Julan Escarpe nito lang Jan 8 sa kanilang bayan sa Calatrava, Negros Occidental ay sinorpresa ni Gigi ang dalawa sa kanyang mga bonggang regalo: mga tig-Php500 na inilagay sa money cape, money cake, money lechon at money crown.
Sa kabuuan, ang perang nakapaloob sa lahat ng mga ito ay nagkakalaga ng Php200,000!
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Bakit niya binigyan ng ganoong kalaking halaga ang kanyang
ate, at paano niya ito naipon gayong tatlong taon pa lang syang nagtatrabaho
bilang domestic worker sa
Sa maluha-luhang tinig ay sinabi ni Gigi, 30 taong gulang, na inipon niya ang pera mula sa kanyang sahod sa loob ng nagdaang isa’t kalahating taon.
“Gusto ko pong gumaang naman ang kanyang buhay dahil ang tagal niyang nagsakripisyo para sa aming pamilya,” sabi ni Gigi. “Kaya nga umabot siya sa edad na 35 bago nag-asawa ay dahil inuna niya muna niyang tinulungan ang aming pamilya.”
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sabi pa niya, “Gusto ko din po ipakita sa mga nang-aapi sa amin noon dahil sa sobrang hirap namin na kaya na naming mabuhay nang mas maayos ngayon.”
Ayon kay Gigi, lagi siyang ginagabayan ni Dioralyn na unang nakipagsapalaran sa Maynila sa edad na 19 taong gulang. Noong matapos daw si Gigi ng high school ay isinama daw siya ng kanyang ate sa Maynila para magtrabaho bilang kasambahay.
Hindi tumagal ay nagpunta si Dioralyn sa
“Sobrang mahal ko po ang aking ate,” sabi ni Gigi, na bunso sa apat na magkakapatid. “Kaya gusto kong suklian ang lahat ng ginawa niya para sa akin.”
Si Gigi habang nire-record ang espesyal na mensahe niya sa bagong kasal |
Sa maniwala’t hindi ang mga tao ay hindi daw sila nag-aaway magkakapatid, at hindi rin humihingi ng pera o anumang pabor sa isa’t isa. Pati yung dalawang kapatid nilang lalaki na nasa Pilipinas at may mga asawa na ay hindi rin umaasa ng tulong sa kanilang mga magulang o sa kanilang dalawa.
Katulad ng kanyang ate na dati ring nagtrabaho sa
Sa katunayan ay umabot na daw sa mahigit Php400,000 ang naitatabi niya dahil hindi siya halos gumagastos kahit day-off niya. Noong nandito pa ang kanyang ate ay lagi lang silang namamasyal sa tabing dagat at kumakain ng instant noodle o sardinas.
Press for details |
“Sa buhay probinsiya po namin dati ay malaking bagay na yung nakakakain kami ng mga ganito,” simpleng paliwanag ni Gigi.
Hindi rin uso sa kanilang magkapatid ang mangutang o gumastos para sa mga marangyang damit o gamit kaya halos lahat ng kanilang kinikita ay naitatabi nila sa sariling pangangailangan.
Lubos din niyang pinagmamalaki ang kanilang mga magulang na sa sobrang sipag sa pagsasaka ay kumikita ng sarili nilang pera at ni minsan ay hindi nanghingi sa kanila.
“Ang pera ninyo ay ipunin muna ninyo para may panggastos kayo kung kailangan,” ito raw ang laging sabi ng kanilang mga magulang sa kanila.
Nag viral sa Pilipinas ang mga litratong kuha sa kasal ni Dioralyn |
Ang isa pa daw laging sinasabi ng kanilang ama ay matuto silang dumiskarte sa buhay para kahit hindi sila nakatapos sa kolehiyo ay aasenso ang kanilang buhay.
Sa kabila nito ay nag-isip daw silang magkapatid ng paraan para mas gumaan ng kaunti ang pagtatrabaho ng kanilang mga magulang sa kanilang tubuhan. Bago umuwi si Dioralyn ay nagtulong sila para makapadala ng Php260,000 para ipambili ng truck na magagamit ng mga magulang sa bukid.
Noon nagka ideya si Gigi na sorpresahin din ang kanyang ate sa nalalapit nitong pagpapakasal. Unti-unti siyang nagpadala ng pera sa isang kaibigang guro na gumagawa ng mga nauuso ngayong money cake para ipunin bago sumapit ang importanteng okasyon.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pero hindi lang basta-basta cake ang nasa isip ni Gigi, kundi isang apat na patong na cake na ang loob ay puno ng tig-Php500. Nagpagawa din siya ng litson kung saan dapat ang dila at buntot ay hihilahin ng mag-asawa para lumabas ang mga perang papel sa loob, at pati na ng korona at kapa para sa kanyang ate na gawa lahat sa pera.
Tagumpay naman ang lahat ng kaniyang ginawang pagpaplano dahil nasorpresa nang husto ang kanyang ate. Ang tanging nasambit lang nito nang makita ang napakalaking halaga na ibinigay ng kanilang bunso ay, “It’s good to be good to your sister dahil babalikan ka ng blessing.”
Payak ngunit masaya ang kinalakhang buhay nina Gigi sa probinsya |
Sapat na ang nakita niyang kaligayahan sa mukha ng kanyang ate para sumaya din si Gigi, na ang susunod namang pinagpaplanuhang pasayahin ay ang mga pinakamamahal niyang mga magulang.
“Ayaw ko pong pagsisihan balang araw na hindi ko ginawa ang dapat para mapasaya sila,” ang simple niyang paliwanag.
Alam ni Gigi na babalik din siya sa piling ng kanyang mahal na pamilya balang araw, at gusto niya na sa pagdating ng panahon na iyon ay mas maunlad na ang kanilang buhay, pero mananatiling tahimik at masaya.
Hinding hindi daw mababago ng
CALL US! |