Kung nakatira o napunta ka sa isang lugar na may Covid-19 na kaso ay isasailalim ka sa CTN |
Gaya ng lahat ng tao na
nasa lugar sa naturang araw at oras, ang mga foreign
domestic helper ay obligadong sumunod sa CTN at magpa-test, ayon sa Prevention and Control of Disease (Compulsory
Testing for Certain Persons) Regulation (Cap. 599J).
Ang obligasyong ito ay istriktong
ipinapataw sa lahat, bakunado man o hindi, ayon sa Labour Department.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ipinaalala ng LD sa mga FDH na pagmumultahin ng $5,000 ang mga mahuling hindi magpa test ayon sa CTN. Bibigyan din sila ng compulsory testing order, at kung hindi pa rin nila ito sundan, ang multa ay aakyat sa $25,000 at may kasama pang pagkakakulong ng anim na buwan.
Nagpaalala rin ang Labour
Department na laging magsuot ng face mask at umiwas sa malalaking kumpol ng tao. Ayon sa pinakahuling patakaran, hanggang apat na tao lang ang puwedeng magsama sa mga pampublikong lugar.
Sa Jan 15 at 16, muling iikot ang
ilang taga-gobyerno na mayroong sound system upang paalalahanan ang mga FDH tungkol dito sa
nakagawian nilang puntahan sa Central, Tamar Park sa Admiralty, Victoria Park sa Causeway Bay, Tsuen Wan Park, sa footbridge malapit
sa Fa Yuen Street sa Mong Kok at iba pa.CONTACT US!
Ito ay ginagawa sa
pagtutulungan ng Labour Department, Hong Kong Police Force, Food and
Environmental Hygiene Department, Home Affairs Department at Leisure and Cultural Services Department.
Pindutin para sa detalye |
“We remind FDHs to strictly observe the requirements and appeal to them to avoid gatherings (including those in boarding facilities), food sharing and other social activities on their rest days and holidays, and stay at home for rest as far as possible in order to safeguard their personal health and reduce the risk of infection. We also encourage employers and FDHs to discuss rest day arrangements, so as to minimise the health risk of participating in social activities," ayon sa LD.
Pinaalalahanan din ng Labour ang mga employer na bawal piliting magtrabaho ang kanilang DH sa araw ng pahinga, o pagkaitan sila ng day-off.
Ang mga lalabag sa panuntunang ito na nakapaloob sa Employment Ordinance, ay papatawan ng multa na aabot sa $50,000.