Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Dapat bang doblehin ang suot na face mask?

13 January 2022

mula sa The SUN

Mas maigi daw na patungan ng cloth mask ang disposable mask para mas nakalapat ito

Kailangang magsuot ng dobleng facemask upang makaiwas na mahawa sa mabilis kumakalat na sakit, lalo na sa mga nagtatrabaho sa mga lugar na nagkaroon ng pagkalat ng Omicron variant ng Covid-19, mga nagpupunta sa matataong lugar, mga matatanda at mga mahina ang resistensya, ayon sa dalawang eksperto.

Ang dahilan: napatunayan nila ang matagal nang sapantaha ng marami, na ang coronavirus na taglay ang lubhang nakakahawa na Omicron variant ay air-borne o palutang-lutang sa hangin. Kumakalat ito galing sa maysakit at maaring malanghap ng kahit na sino, kahit yung may suot nang surgical mask. 

Ang unang nagpayo ng tinatawag na "double masking " ay si Dr. Yuen Kwok-yung, isang propesor sa microbiology ng University of Hong Kong at nangungunang tagapayo ng gobyerno sa paglaban sa Covid-19. 

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Iminungkahi niya ito matapos makumpirma noong Miyerkules (Mar 12) na nakukuha ang bagong variant sa hangin base sa paraan kung paano nakaakyat nang tatlong palapag ang Omicron sa Maple Gardens sa North Point.

Ayon kay Dr. Yuen, may isang nag-positibo sa virus sa flat 6B kaya dinala sa ospital ang kanyang mga kasama sa bahay upang i quarantine. Ilang araw lang ay nagpositibo ang ina ng lalaking unang naimpeksyon.

Nang isa pang lalaki ang nag-positibo din sa Flat 9B, nagpasya ang mga eksperto na bisitahin ang gusali. 

CONTACT US!

Napag-alaman nila na sinasara ng lalaki ang mga bintana ng kanyang bahay dahil inaayos ang labas ng gusali at maalikabok. Dahil gumagamit siya ng exhaust fan tuwing papasok sa toilet ay nahihigop nito ang hangin na may dalang virus mula sa drain na tuyo ng mga flat sa ibaba. Ang nasipsip na hangin na may dalang virus ay kumalat sa buong kabahayan, at siyang nalanghap ng ikatlong pasyente.

Naging kontrobersiyal ang kanyang mungkahi dahil ayon sa mga sumasalungat ay hindi ito kailangan at magsasanhi lang ng hirap sa paghinga ng mga gumagamit, lalo yung mga maysakit.

Ngunit sumang-ayon naman dito si Dr David Hui, isang espesyalista sa respiratory medicine at chairman ng Department of Medicine and Therapeutics ng Chinese University of Hong Kong. 

Makakatulong daw na magsuot ng mask na yari sa tela sa ibabaw ng surgical mask para lumapat nang maayos sa mukha ng gumagamit.

Press for details

Karaniwan kasing maluwag ang surgical mask, dagdag ni Dr. Hui, kaya maari itong pasukin ng virus na nasa hangin. 

Noong Jan. 11,inilahad naman ni Dr Chuang Shuk-kwan ng Centre for Health Protection na hindi nakatulong ang pagsusuot ng face mask ng isang flight crew ng Cathay nang bumili ito ng shampoo sa isang dispensary sa H.A.N.D.S..

Kahit naka mask din ang nagtitinda at mga 10 minuto lang sila nag-usap ay napasahan pa din niya ito ng Omicron. 

Pindutin para sa detalye

Sa tindi ng dala nitong virus ay nalipat ito ng tindero sa asawa niya at dalawang anak na kasama niyang nakatira sa Aegean  Coast sa Tuen Mun. Hindi pa ito nagtapos dito dahil nahawaan naman ng asawa at anak niyang batang lalaki ang isang nurse na tumingin sa kanila sa isang klinika sa Gold Coast.

Ito ang dahilan kung bakit nasabi ni Chuang na malamang na may "silent transmission" ng Covid-19 na nagaganap sa Tuen Mun.

Bukod sa pamilyang nagkahawaan at nanghawa ay may isang babaeng guwardiya sa Penny’s Bay Quarantine Centre na nakatira rin sa distrito ang nakitaan din ng virus.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Inutusan ang lahat ng mga nakatira sa Tuen Mun na magpa test agad para mapigilan ang maaring pagdami pa ng mga kaso doon.

Para sa dagdag proteksyon, hindi naman din masama kung susubukan ng ilan sa kanila na magsuot ng dobleng mask, lalo at sigurado na ang mga eksperto na ang Omicron variant ay maaring makuha sa hangin.

Don't Miss