Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Ano ang plano ng mga kandidato sa pagkapangulo para sa mga OFW?

22 January 2022



Apat na presidentiables ang nagpahayag ngayon (Jan 22) ng kani-kanilang plano upang mapangalagaan ang mga karapatan ng mga overseas Filipino worker.

Ang apat, na dumalo sa The Jessica Soho Presidential Interviews sa GMA Network, ay sina Manila Mayor Isko Moreno, Vice President Leni Robredo, Sen. Manny Pacquiao, at Sen. Panfilo Lacson.

Ang tanong ng anchor ng programa na si Jessica Soho ay: "Nasa halos limang libong kaso ng pang-aabuso sa mga OFW ang naitala ng POLO o Philippine Overseas Labor Office noong 2020 sa ibang bansa. Naitala rin ng POLO ang contract violation sa mga OFW na umabot sa mahigit 23,000 noong 2020. Ano po ang dapat gawin para mapangalagaan ang mga karapatan ng mga OFW?"

Ang unang pinasagot ay si Moreno, na nagpahayag: "Ang unang una ay makikipag-ugnayan ako sa mga bansang iyon, sa mga host na bansa. Bakit wala silang ginagawa doon sa mga citizen nila na nang-aabuso sa Pilipino? Because the sauce for the gander is the sauce for the goose. Kung sila ay inaalagaan natin dito bilang mga banyaga, alagaan din nila yung mga kapwa natin Pilipino na nagtatrabaho at nagsisibi sa kanila. Second, we will make sure that we will put good people in our POLO."

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pangalawang pinasagot si Robredo, na nagsabing: "Pinakauna, ayusin natin yung ating ekonomiya para yung paglalabas para magtrabaho sa ibang bansa , hindi dahil sa necessity pero by choice. Pangalawa, hanapin natin iyung mga lugar na iyon, yung karamihan ng mga OFWs nandoon, siguraduhin natin na pumasok tayo sa bilateral contracts with them para sa proteksyon ng mga manggagawa natin na nandoon. Mahirap na nandoon sila na wala tayong bilateral contracts kasi hindi natin napangangalagaan in the manner na kailangan natin sila pangalagaan. Pangatlo, kailangan ina-upscale natin o nire-retool natin yung mga skills ng ating mga kababayan na lumalabas para yung mga trabaho nila ay yung medyo nakaka-angat, na pupunta sila doon, pupunta sila bilang professionals, pupunta sila bilang opisyal ng barko, pupunta sila dahil mga skilled workers sila. Dapat yung gobyerno yung nagpo-provide ng training na iyon para handa yung ating mga kababayan."

Pindutin para sa detalye

Ito naman ang sagot ni Pacquiao: "Alam nyo po, ito ang pinaka-unang batas na naipasa natin, yung Handbook for OFW, dahil importante po sila na protektahan natin, pangalagaan natin, dahil malaki po ang naiambag nila sa ating bayan. At higit sa lahat, yung handbook po na iyan, kailangan lang ma-implement dahil magkakaroon po sila ng tinatawag natin na pwedeng kontakin pag nagkaroon sila ng problema, hindi lang isa o dalawa, kundi marami."

PRESS FOR MORE DETAILS

Si Lacson naman ay nagsabi: "Unang una, dapat mawala yung isipang kailangang mangibang bansa para kumita ka ng pera. Dapat nandito yung ating kabuhayan. Dapat nandito sila hangga't maaari. Now that nandiyan na ang situation na talagang helpless naman, at kailangan mag-OFW, mayroon na tayong naipasa, 'di ba, yung department para sa mga OFWs. Again, departamento ito, kailangan lang dito execution, implementasyon. Pag ito'y ay nagkaroon na naman, nahaluan na naman ng kalokohan, wala nang mangyayari. Sayang yung batas na pinasa ng Kongreso patungkol dito. So ang problema, Jessica, more on executiion, more on implementation. Madaling gumawa ng batas, pero ang problema, sa execution doon nagkaka-loko loko, eh."

CONTACT US!

Inimbita ring sumali si dating Sen. Bongbong Marcos pero tumanggi ito. Ayon sa kanyang spokesman, ang dahilan ng pagtanggi ay ang pagiging biased ni Soho.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sumagot naman agad ang GMA Network, at sinabi na si Soho ay itinanghal na "the most trusted media personality in the Philippines" ng lokal at internasyonal na organisasyon. Siya din daw ay nangangalaga sa motto ng GMA News and Public Affairs na: "Walang Kinikilingan, Walang Pinoprotektahan, Serbisyong Totoo Lamang."

Don't Miss