Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

2 Pinay kinasuhan ng pananakit sa alaga

10 January 2022

Ni Leo A. Deocadiz 

Ang Kowloon City Magistrate Court.

Dalawang Pilipina ang humarap sa Kowloon City Magistrate Court kaninang umaga upang magkahiwalay na harapin ang akusasyong sinaktan nila ang kanilang mga alaga.

 “Guilty,” sagot ni Myra Novicio Villanueva nang tanungin siya kung sinaktan ba niya ang alagang limang buwang sanggol sa bahay ng amo niya sa Kowloon City.

Agad siyang sinentensyahan ng dalawang buwang pagkabilanggo ngunit dahil nabilanggo na magmula nang maaresto noong Oktubre ay agad ding pinalaya.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

“Not guilty” naman ang sagot ni Rachel Sevilla Lopez nang tanunguin kung sinaktan niya ang alagang 16 na taong gulang sa San Po Kong.

Inamin ni Villanueva, 40, ang paratang matapos itong basahin sa kanya ng interpreter.

Ayon sa salaysay ng taga-usig, mga hatinggabi noong Oct. 19, 2021 ay nagising ang amo ni Villanueva nang marinig ang anak niyang umiiyak. Ayon sa salaysay nito, nakita niya na pinapalo ni Villanueva ang sanggol.

CONTACT US!

Nang panoorin nila ang CCTV (closed circuit television) video sa kuwartong kinalalagyan ni Villanueva at ng bata, nakita ring inuuyog ng Pilipina ang bata at pagkatapos ay inihagis sa kama. Dinala nila ang sanggol sa isang pribadong clinic pero wala namang nakitang pinsala dito.

Tumawag ng pulis ang amo at kinumpronta si Villanueva, na idinahilang ayaw matulog ng bata kaya nya sinaktan. Dinala siya sa presinto at simula noon ay hindi na siya nakalabas.

Humingi ang tagapagtanggol ni Villanueva sa korte ng pang-unawa dahil malinis naman daw ang record niya.

Press for details

Pero ayon kay Magistrate Frances Leung Nga-yan, malubha ang mga nangyari sa bata at hindi maiiwasan ang sentensiyang pagkakakulong.

Ayon sa kanya, ang krimen ay may parusang tatlong buwan. Pero dahil umamin agad si Villanueva, binigyan niya ito ng isang buwan na nadiskwento.

Dahil noong Oktubre pa nakapiit si Villanueva, napagsibihan na niya ang hatol na dalawang kaya agad siyang papalayain.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Si Lopez, 32, na inakusahang sinaktan ang alagang 16 na anyos, ay itinanggi na ginawa niya ang krimen.

Sinabi ng taga-usig na may dalawang testigo silang ipiprisinta, kasama ang isang CCTV video na may habang isang minuto at 20 segundo.

Sinabi ng depensa na wala silang ihaharap na testigo at hindi nila sasalungatin ang pagpapakita ng video.

Itinakda ni Magistrate Leung ang paglilitis sa kaso sa Marso 22. 

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Don't Miss