Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Normal na ang serbisyong postal sa Pilipinas

03 July 2020

Mapapabilis na serbisyong postal sa Pilkipinas at ilan pang lugar. (Photo: https://www.youth.gov.hk) 


Naibalik na sa normal mula ngayon (June 3) ang lahat ng serbisyo sa Pilipinas ng Hongkong Post, kasama na ang Speedpost, dahil sa unti--unti pagbabalik sa normal ng mga lipad papunta sa bansa, ayon sa isang anunsyo ng gobyerno.

Ang Pilipinas ay isa sa mga lugar kung saan naibalik na sa normal ang lahat ng serbisyong postal.


Pindutin para sa detalye

Mapapabilis na rin ang serbisyo sa mga lugar na gaya ng United Kingdom, na kung saan ang mga ipinadalang sulat ay umabot ng hanggang tatlong buwan bago nai-deliver dahil ikinarga sa barko.

Pero sinabi sa anunsyo na dapat pa ring asahan ang pagka-antala ng ilang padala dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari na dulot ng Covid-19 pandemic.

PINDUTIN PARA

Sa Asia, normal na rin ang serbisyo sa India.

Ang iba pang lugar at ang mga serbisyong kasama sa unti-unting pagbalik sa normal ay:

United Kingdom: Speedpost, e-Express al lahat ng serbisyong surface mail.


France, Poland, Spain at Switzerland at Estonia: lahat ng postal service, kasama na ang Speedpost,

Ang lagay ng serbisyong koreo sa iba pang mga lugar ay matutunghayan sa https://www.hongkongpost.hk/en/about_us/whats_new/notices/index_id_942.html.



Don't Miss