Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Mga Kadalasang Tanong Tungkol sa Covid-19 Sa Ilalim ng Anti-Discrimination Ordinance

19 June 2020



Mula nang kumalat ang Covid-19, naharap sa kakaibang pagsubok ang mga foreign domestic worker sa Hong Kong, mula sa dagdag na trabaho at maikling oras ng pahinga, hanggang sa takot na matanggal sila sa trabaho kapag sila ay lumabas sa kanilang araw ng pahinga.

Alam ng Equal Opportunities Commission (EOC) na nalagay sa mas delikadong sitwasyon ang mga FDW sa gitna ng pandemya. Dahil dito, handa ang EOC na makinig sa mga reklamong may kinalaman sa Sex Discrimination Ordinance (SDO), Disability Discrimination Ordinance (DDO), Family Status Discrimination Ordinance (FSDO), at Race Discrimination Ordinance (RDO).

Para ipaliwanag ang batas laban sa diskriminasyon, lalo na ang DDO at ang binibigay na proteksyon sa mga FDW kaugnay sa Covid-19, sinagot ng EOC ang ilan sa mga kadalasang tanong tungkol dito.
  1.  Lumabas ako noong day-off. Agad akong sinisante pagkabalik ko dahil sabi ng employer ko ay baka nakuha ko na ang Covid-19 habang nasa labas. Paano magagamit ang DDO rito?
Ang Covid-19 ay itinuturing na kapansanan na protektado sa ilalim ng DDO, at kasama rito ang pagkakaroon ng virus na nagdudulot ng sakit o karamdaman. Sakop ng DDO pati ang pagparatang ng kapansanan sa tao.

Subalit, sa ilalim ang DDO, hindi labag sa batas na tratuhin ng kakaiba ang empleyado na may kapansanan kung: (i) ang kapansanan ay nakahahawang sakit ayon sa Prevention and Control of Disease Ordinance tulad ng COVID-19; ang kakaibang pagtrato ay kailangan para maprotektahan ang kalusugan ng ibang tao. 

Para malaman kung ang isang aksyon ay makatarungan at nararapat, dapat ay isaalang-alang ng mga employer na sinusubaybayan ng gobyerno ang mga bagong kaganapan ukol sa pandemya, at pati ang pagpapatupad ng social distancing ay kinakailangan.

Kung nag-aalala ang employer na mahawa ang kanyang empleyado kapag lumabas sa kanyang araw ng pahinga, maaari nitong ipaalalang gawin ang mga hakbang na nasa section 2 (1), section 2 para makaiwas sa sakit, tulad ng paghuhugas ng kamay, pagpapalit ng damit, pagligo, atbp.), at kung kinakailangan (halimbawang may sintomas na lumitaw), ay agad magpasuri.

Batay sa mga nakalista sa itaas, hindi makatwiran na sisantehin ang FDW kapag siya ay umuwi galing sa day-off, kung base lamang ito sa haka-haka o pag-aalala na siya ay nahawaan ng Covid-19. Kung ito ang dahilan sa pagsisisante, ito ay maaaring paglabag sa DDO.


  1. Nagkaroon ako ng Covid-19, ngunit magaling na ako ngayon. Maaari ba akong sisantehin ng employer ko kung magaling na ako?
     Dahil sakop sa kahulugan ng kapansanan sa ilalim ng DDO ang mga dating karamdaman, magiging labag sa       batas na tratuhin ng employer ang kanyang empleyado nang hindi kanais-nais (tulad ng pagsisante sa kanya)       dahil siya ay nagkaroon ng Covid-19.

  1. Sinisante ako ng employer ko habang nasa mandatory quarantine ako ng 14 na araw. Naaayon ba ito sa batas?
    Ayon sa Department of Labour, kung ang isang empleyado ay inutusan ng Health Officer na sumailalim sa         pagsubaybay o quarantine, kailangan itong bigyan ng sick leave ng kanyang employer batay sa Employment       Ordinance o sa employment contract.

Kung may mga tanong ka tungkol sa iyong karapatan o obligasyon sa ilalim ng Employment Ordinance, makipag-ugnayan sa Department of Labour sa pamamagitan ng pagtawag sa kanilang 24-oras na hotline 2717 1771 o sa 2157 9537 (hotline na inilaan para sa mga FDW) o mag-email sa fdh-enquiry@labour.gov.hk.

Pindutin para sa detalye

  1. Maaari ba akong pwersahin ng employer ko na manatili lang sa bahay kapag araw ng pahinga ko?
Ang usapin sa araw ng pahinga ay maaaring labas na sa mga batas kontra diskriminasyon na ipinapatupad ng EOC. Gayunpaman, hinihikayat ng EOC ang mga employer na maging mas maunawain sa mga pangangailangan at karapatan ng kanilang kasambahay, lalo na sa panahon ng pandemya.

Dati nang nanawagan ang Department of Labour sa mga FDW at kanilang employer na pag-usapang maigi ang mga usapin tungkol sa araw ng pahinga. Gayunpaman, pinapaalalahanan din ang mga employer na ang pamimilit sa FDW na magtrabaho sa araw ng kanyang pahinga sa ilalim ng sec 2(1) o ang hindi pagbibigay ng araw ng pahinga ng walang pag-sang-ayon ang FDW ay labag sa Labour Ordinance.

Kung may katanungan tungkol sa iyong karapatan o obligasyon sa ilalim ng Laboru Ordinance, makipag-ugnayan sa Department of Labour sa pamamagitan ng pagtawag sa kanilang 24-hour hotline: 2717 1771 / 2157 9537 (hotline na inilaan para sa mga FDW) o email fdh-enquiry@labour.gov.hk.

  1. Kararating ko lang sa Hong Kong at ako ay sumailalim sa mandatory home quarantine. Ano ang nararapat na gawin ng employer ko?
Bagaman ang usapin sa tirahan para sa FDW ay maaaring labas na batas kontra diskriminasyon na ipinapatupad ng EOC, hinihikayat ng EOC ang employers na maging mas maunawain sa mga pangangailangan at karapatan ng kanilang FDW, lalo na sa kasalukuyang panahon.
Nanawagan na ang Department of Labour sa mga employer at kanilang ahensya na tiyakin na makasunod sa mandatory home quarantine ang mga FDW na bagong dating sa Hong Kong.

Sinabi na rin ng Department of Labour na patuluyin ng employer sa kanyang bahay ang kanyang FDW na kailangang mag home quarantine. Kung gusto ng employer na sa ibang lugar manatili ang FDW para dito, dapat ay makipag-ugnayan ito sa kanyang ahensya at bayaran ang lahat ng magagastos sa hotel o kung ano pa mang lugar, at sa pagkain.

6. Paano ako makakapagsampa ng reklamo sa EOC?

Ayon sa batas, dapat ay isulat ang anumang reklamo na isasampa sa EOC. Maaari mong iabot ang iyong sulat nang personal, sa pamamagitan ng koreo, fax, o sa paggamit ng online form.
Address: 16/F, 41 Heung Yip Road, Wong Chuk Hang, Hong Kong Fax: 2106 2324 Online form: www.eoc.org.hk/eoc/graphicsfolder/complaint.aspx
Maaari ka ring tumawag sa EOC sa 2511 8211 kung nahihirapan kang isulat ang iyong reklamo o may tanong ka tungkol sa tamang pamamaraan. Maaari ka ring bigyan ng EOC ng tagasalin sa iyong wika kung iyong hihilingin.

7. Nag-aalala ako na baka sisisantihin ako ng employer ko kapag nagsampa ako ng reklamo sa EOC.

Ipinagbabawal sa ilalim ng DDO4 na tratuhin ng hindi kanais-nais ng isang employer ang kanyang empleyado (halimbawa, sisantihin niya) dahil nagsampa ito ng reklamo sa EOC laban sa kanya sa ilalim ng DDO.

8. Dahil sa two-week rule, mahihirapan akong magsampa ng reklamo sa EOC           matapos akong sisantihin ng employer ko. Ano ang dapat kong gawin?

Makakapagsampa ka ng reklamo sa EOC sa ilalim ng mga batas laban sa diskriminasyon kahit wala ka sa Hong Kong. Kailangan mo lang iwan ang ilang impormasyon, katulad ng numero ng iyong telepono, address kung saan sa puwedeng padalhan ng sulat, o email address.

Maaari ka ring magtalaga ng isang kinawatan para sa pagsasampa ng reklamo sa EOC batay sa batas kontra diskriminasyon. Alalahanin lang na tungkulin mo ang magbigay ng kaukulang ebidensya para suportahan ang iyong pagsasampa ng kaso.

For the English version, click here:  https://www.eoc.org.hk/EOC/Upload/UserFiles/File/FAQ_COVID-19_Foreign_Domestic_Workers_and_Employers_english.pdf

The Chinese version is here: 
https://www.eoc.org.hk/EOC/Upload/UserFiles/File/FAQ_COVID-19_Foreign_Domestic_Workers_and_Employers_chinese.pdf


Don't Miss