Laging gipit si Marnel M dahil sa sakiting anak, kaya halos hindi magkasya ang suweldo mula sa mga among taga Tsuen Wan na tatlong taon na niyang pinagsisilbihan.
Si Marnel na 35 taong gulang ay single mother ng dalawang
anak na inaalagaan ng kanyang ina sa Batangas, kaya sa suweldo lang niya umaasa
ang lahat.
Lalong lumaki ang gastos niya nang mag lockdown dahil
kailangan puntahan ng doktor ang kanyang anak sa bahay para gamutin. Mahal din
ang gamot na nirereseta sa bata. Kahit may nakukuha siyang discount sa
PhilHealth ay malaki pa rin ang gastos niya.
Pindutin pra sa detalye! |
Dahil dito ay naengganyo siya na mag-apply ng utang sa isang
online lending company na nakita niya sa internet. Ang balak niya ay mangutang
lang ng $5,000 at nang sabihin sa kanya na 5% ang interest buwan-buwan ay
nakumbinsi siya. Sa ibang tao kasi ay 10% ang hinihinging patong buwan-buwan.
Ang hindi niya inaasahan ay may sinisingil pa la na $1,500
na “processing fee” ang pautangan, at kailangan niya itong bayaran bago mailipat
sa account niya ang pera. Dahil desperado ay pikit-matang nag top-up siya sa
account na binigay sa kanya. Pagkalipat niya ng pera ay agad siyang na block sa
page ng pautangan.
Ganoon na lang ang paghihinagpis ni Marnel dahil niloko siya
sa panahon na kailangang kailangan pa naman niya ng pera. Wala siyang utang sa
kahit anong financing company pero hindi
niya alam kung bakit sa araw na iyon ay bigla siyang nagka-interes na
mangutang.
Call us! |
Umiiyak na naikuwento ni Marnel ang nangyari sa amo. Natatawa
at naiinis din siya sa sarili na dahil hindi niya maipaliwanag kung bakit
mabilis siyang naniwala at nagpadala ng pera. Sinabihan lang siya ng amo na mag-
ingat sa sunod.
Ganoon na lang ang gulat niya nang sa araw ng sahod niya
kamakailan ay binigyan siya ng amo na ekstrang $2,000 para sa kanyang anak. Nahihiya
man ay buong lugod na tinanggap ni Marnel ang pera mula sa among mabait.
Nakakahiya man at nakakalungkot ang nangyari sa kanya ay minabuti
pa rin ni Marnel na ibahagi ito sa isang grupo ng mga kapwa OFW para magsilbing
babala sa iba. Paalala niya na mag-ingat sa pakikipag transaksiyon sa online at
huwag basta magtitiwala.
Mabuti na lang, aniya, kahit minalas siya at naloko ay
masuwerte pa rin siya dahil may amo siyang mabait na nagsalba sa kanya.
Paano
ba malalaman kung ang isang online na pautangan ay legal at hindi isang scam?
Narito ang ilang palatandaan, ayon sa mga eksperto: (1) Hindi interesado ang nagpapautang na tingnan ang kakayanan mong magbayad; (2) Walang opisina ang nagpapautang; (3) Pilit kang ineengganyo na magdesisyon agad; (4) Aprubado agad ang iyong loan application; (5) Sinisingil ka agad para sa “processing” gayong wala ka pang natatanggap na pera
Narito ang ilang palatandaan, ayon sa mga eksperto: (1) Hindi interesado ang nagpapautang na tingnan ang kakayanan mong magbayad; (2) Walang opisina ang nagpapautang; (3) Pilit kang ineengganyo na magdesisyon agad; (4) Aprubado agad ang iyong loan application; (5) Sinisingil ka agad para sa “processing” gayong wala ka pang natatanggap na pera