Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Kuru-Kuro: Alinmang lahi kung pasaway ay magkakalat ng Covid

15 April 2020



By Vir B. Lumicao

Gumanda lang ang panahon nitong Sabado at Linggo ay nagsitungo na sa tabing-dagat at sa kabundukan ng Hong Kong ang libu-libong mga tao upang salubungin ang pagsilay ng araw makalipas ang dalawang linggong kulimlim at manaka-nakang pag-ulan.

Ang pagsasawalang-bahala ng mga tao sa mga kautusan ng gobyerno para umiwas sa epidemya ay dala marahil ng lumbay ng taglamig at pangambang bunga ng mahigit sa tatlong buwan nang krisis na dulot ng novel coronavirus disease of 2019, o Covid-19.

Nakita ng madla sa mga balita ang hindi pagpansin ng mga tao sa mga hakbang kaugnay ng paglalayu-layo ng mga mamamayan upang mapigilan ang pagkalat ng virus na siyang sanhi ng pagkakasakit ng mahigit 1,000 at tuluyang pagkamatay ng apat na pasyente.

Pindutin para sa detalye!

Tila nagbunga ang mahigpit na pagpapatupad ng gobyerno ng Hong Kong sa ilang hakbang upang mapigilan ang paglaganap ng Covid-19. Kabilang sa mga hakbang na ito ang social distancing o paglalayu-layo at pag-iwas sa matataong lugar.

Simula nang ipatupad ang social distancing ay unti-unting bumaba ang bilang ng mga tao sa Hong Kong na natuklasang positibong may Covid-19. Habang sinusulat ito ay apat katao lang ang iniulat sa Centre for Health Protection na nagpositibo sa virus.

Magandang balita ito para sa mga mamamayan ng Hong Kong na simula pa noong Enero ay balot na ng pangamba dahil sa pagpasok ng kinatatakutang sakit na nagsimula at pumatay ng mahigit 3,000 tao sa lungsod ng Wuhan sa China.

Call us now!

Karamihan sa mga nahawa sa sakit ay yaong mga taong nakapagbiyahe sa labas ng Hong Kong tulad ng mga negosyante, mga mag-aaral, mga kasambahay o dating nakaniig o nakasalamuha ng mga naunang nabiktima ng Covid-19.

Marami sa mga natuklasang may taglay na coronavirus ay mga taong nanggaling sa mga bansa sa Europa tulad ng Britanya, Pransiya, Italya, Estados Unidos, at ilan pang mga bansang pinanggalingan ng mga bumalik dito sa Hong Kong.

Sa mga nakumpirmang may sakit na Covid-19 nitong mga nakaraang araw ay may mga kababayan tayong mga kasambahay. Apat sa mga Pinay na ito ay nanggaling sa pagbabakasyon sa Pilipinas, kaya malamang na doon nila nakuha ang sakit.

Call now!

Apat na dayuhang katulong na nanggaling sa Britanya kasama ang kanilang mga amo ang kumpirmadong may dala ring sakit na Covid-19 pagbalik nila rito sa Hong Kong.

Tatlo sa mga kasambahay na iyon ay mga Pilipina samantalang ang ikaapat, na dumating dito noong Abril 11 matapos ang mahigit dalawang buwang bakasyon sa Inglatera, ay hindi pa natiyak kung ano ang nasyonalidad. Siya ay 32 taong gulang.    

May apat na iba pang Pinay na nakumpirma ring may dalang coronavirus nang bumalik sa Hong Kong kasama ang mga amo mula sa iba’t ibang bansa. Isa sa kanila ay nanggaling sa Pransiya, isa sa Turkiya at dalawa sa Amerika.
Ang mga Pilipinang kasambahay na naunang iniulat na nagka-Covid ay mga nahawa lang ng kanilang mga amo o iba pang kasamahan sa bahay. Ngunit sa tingin ng mga tagarito, ang mga katulong nilang Pinay ang nag-uuwi ng virus kaya sila pinandidirihan nila.

Sa aming pananaw, iyon din ang dahilan ng Hong Kong Labour Department na huwag lumabas ang mga Pinay kapag day off nila, at ilan na sa mga lumabag ang nasisante.

Sa paglilibot namin nitong mga nakaraang araw ay nakita naming may mga pasaway, Pinoy man o ibang lahi, na lumalabag sa batas na huwag mag-umpukan nang higit sa apat-katao. Sige lang sila kahit may nakaambang $2,000 hanggang $25,000 multa.

Ang layunin ng social distancing ay para hindi mahawa o makahawa ng sakit anuman ang lahi at katayuan sa buhay. Ito ay para sa kaligtasan ng lahat.

BASAHIN ANG DETALYE
CALL US!
CALL US FOR MORE DETAILS
Call us now!
Call now!

Don't Miss