Ni George Manalansan
Mga opisyal at miyembro ng Card HK Foundation: Isa si Vienne sa mga libo-libong OFW na nakinabang sa kanilang libreng pagsasanay tungkol sa pananalapi |
Ang isang migrante, kapat nalingat o nalibang sa pakikisama
sa mga kapwa Pinoy na walang ambisyon, ay nawawalan ng balanse sa pamumuhay.
Swerte kapag ang grupong nasamahan niya ay yung mga masisipag, maabilidad at
marunong sa buhay, pero paano kung hindi?
Isa si Vienne, 48, at isang tibo, sa mga naligaw ng landas
sa mga unang taon niya sa Hong Kong . Mistulang
nakatulugan niya ang paghahanda para sa kinabukasan nang makatatlong nobya siya
at nalulong sa barkada sa unang siyam na taon niya sa Hong
Kong .
PRESS FOR MORE INFO |
Dahil sa barkada ay hindi siya nakapag-ipon, at nabaon pa sa
utang, hindi lang sa Hong Kong kundi pati sa
Pilipinas din. May isang taon na halos lahat ng kinita niya ay pinambayad lang
daw niya sa kanyang mga patong-patong na utang.
Nagsimula lang siyang makabangon noong taong 2017, nang
mabasa niya sa isang dyaryong Pinoy ang tungkol sa Card Hong Kong Foundation na
nagbibigay ng libreng pagsasanay sa paghawak ng pera.
Dumalo si Vienne sa sumunod na pagsasanay, at agad siyang
nagising sa katotohanan na dapat ay pinag-ipunan din niya ang kanyang sarili.
Laking panghihinayang niya sa panahong lumipas at sa laki ng perang dumaan lang
sa kanyang mga kamay. Napag-isip isip niya na ang kapalit ng perang kanyang
nilustay ay lakas, pawis at luha, at pati na rin ng lungkot sa pagkakawalay sa
kanyang pamilya.
Masakit din sa dibdib ang mga naging problema niya sa utang
dahil may mga magulang siya at isang kapatid na may kapansanan na umaasa sa
kanya.
Press here to get the App |
Nitong huling apat na taon niya sa Hong
Kong ay paunti-unti siyang bumangon sa pagkakautang, at tiyempo
naman na nakadalo siya sa financial literacy training ng Card Foundation, kaya
mas naging maganda na ang pananaw niya sa buhay.
Sa laki ng pasasalamat niya sa grupo ay sumanib siya sa
hanay ng kanilang mga tagapagsanay. Kahit sa ganitong munting papel ay nais
niyang makatulong para mamulat ang mga kapwa niya migrante na agad bigyan ng
pansin ang paghahanda para sa kinabukasan.