Hindi na bago ang ngayo’y nangyayaring diskiminasyon laban sa mga dayuhang manggagawa, na kung tawagin ng mga taga Hong Kong ay kunyang.
Sila ngayon ay iniiwasan at, kung maari, pinagbabawalang lumabas ng bahay tuwing day off nila upang hindi mag-uwi ng coronavirus. Pero bakit sa araw-araw, sila naman ay pinalalabas upang mama-lengke?
PRESS FOR MORE INFO |
Malawakan ang suporta ng mga taga-rito sa hiling ng gobyerno na huwag nang lumabas ang mga DH sa kanilang day off. Pero para sa mga DH, ito ay malaking dagok sa kanila dahil ang kahulugan nito ay legal na silang mapapagtrabaho sa kanilang araw ng pahinga.
Makikita rin na may pagtatangi sa kaitaasan ng pamahalaan, dahil ayaw nilang baguhin ang kahilingan —gaya ng pagbabawal sa mga amo na gamitin ito upang ilegal na pagtrabahuin ang kanilang DH. Ang dahilan nila ay ito ay para din naman sa kabutihan ng mga DH mismo.
Pindutin pra sa detalye! |
Kabutihan bang maituturing kung, dahil bawal kang lumabas, hindi ka na rin makpagpapadala ng pera sa iyong pamilya? Hindi ka na makakapasyal kasama ang mga kaibigan? Hindi ka na makakabili ng mga kailangan mo sa bahay?
Sa sobrang takot sa sakit, maraming mga employer ang naging OA sa pagbabantay-sarado sa kanilang DH. Dapat, kapag galing sa labas, anila, maligo agad at ang mga damit ay idiretso sa labahan. Mayroon pa nga na nakahanda na ang alcohol at disinfectant upang i-spray sa kanila kapag umuwi. Pero madamot naman sa face mask.
PRESS HERE TO TRACK YOUR BOX NOW!
Saan batay ang mga gawaing ito? Siyempre hindi sa syensya. Ayon sa mga eksperto, kailangan mo lang na magsuot ng face mask, madalas na maghugas ng kamay, at panatilihing isang metro ang layo mula sa kausap.
At hindi naman lingid sa lahat na dalawang Pinay lang, sa populasyon na 210,000, ang nagkasakit, at nahawa sila sa kani-kanilang mga amo.
Press here to get the App |
Kahit noon pa man, nakakapansin na tayo sa liit ng pagtingin ng mga taga-rito sa mga taong nagsisilbi sa kanila.
Isang halimbawa ang isang kainan sa Central na, kung ordinaryong araw, ang kubyertos na ipinagagamit sa mga kumakain ay metal. Kung Linggo, kung kailan ang karamihan ng parokyano ay Pilipino, plastic ang gamit.
---
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer o kanilang website. Pindutin ulit and auto diaoer upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin isa-isa ang mga numero.