Sina Maribel at Trisha ay kabilang sa tinatayang 20,000 Pilipino na tinamaan ng travel ban sa HK |
Isa si Maribel R. sa mga naapektuhan ang pagbalik sa Hong Kong dahil sa paglaganap ng novel coronavirus.
Umuwi siya noong Jan . 15
at dapat ay nakabalik na noong Feb. 3 pero dahil sa travel ban sa Hong
Kong ay na cancel ang kanyang flight pabalik at na-stranded siya sa Pilipinas.
Mabuti na lang at walang pasok sa eskwela ang dalawa niyang alaga kaya nagpasya
ang kanyang amo na umuwi na muna sila sa South
Korea hanggang hindi pa siya nakakabalik sa Hong Kong .
Laking pasasalamat ni Maribel dahil hindi siya nawalan ng
trabaho kahit hindi siya nakabalik sa Hong Kong sa takdang araw, at patuloy pa
siyang pinasahod ng kanyang amo.
Si Maribel ay single mother,, 41 taong gulang at tubong
Capiz. Ang mga amo niyang Korean ay sa Shatin nakatira.
PRESS HERE TO TRACK YOUR BOX NOW!
Samantala, si Trisha naman ay lumipad pauwi sa Pilipinas noong Feb. 2, kung kailan ipinatupad ng pamahalaan ng Pilipinas ang travel ban saChina , Hong Kong at Macau .
PRESS HERE TO TRACK YOUR BOX NOW!
Samantala, si Trisha naman ay lumipad pauwi sa Pilipinas noong Feb. 2, kung kailan ipinatupad ng pamahalaan ng Pilipinas ang travel ban sa
Maaring pumasok sa bansa ang mga Pilipino, pero dapat silang
mag quarantine sa loob ng 14 na araw.
Alalang alala si Trisha sa kung ano ang posibleng mangyari sa kanya pagdating sa Maynila, pero hindi na siya nagbukas pa ng Facebook para hindi niya masagap ang mga balita tungkol sa kaguluhan sa Pilipinas ng mga oras na yun. Basta sinunod na lang niya ang lahat ng habilin sa kanya sa check-in counter at inisip na bahala na kung talagang ma-quarantine siya pagdating sa Pilipinas.
Press here to get the App |
Mabuti na lang at wala naman naging aberya paglapag ng
kanilang eroplano. Binigyan lang sila ng briefing at pina fill up ng kulay
dilaw na papel, at saka sinabihan na may kukumusta sa kanila habang sila ay
naka home quarantine para malaman ang kanilang kalagayan. Pagkatapos nito ay
diresto na siyang umuwi sa kanyang pamilya.
Ang hindi lang niya inaasahan ay tatagal ang bakasyon niya
sa Pilipinas dahil sa ban sa lahat ng Pilipino na paalis papuntang Hong Kong . Pagkatapos ng 16 na araw ng puno ng agam-agam
ay tinanggal na rin ang ban para sa lahat ng Pilipinong residente o migranteng
manggagawa na pabalik sa Hong Kong .
Si Trisha ay dalaga, 35 taong gulang, at taga Cavite . Kasalukuyan
siyang nagtatrabaho sa Yuen Long.