Parang dinaanan ng bagyo ang mga shelves ng ilang tindahan. |
Ni George Manalansan
Maraming OFW ang nakipag-panic-buying noong nakaraang linggo dahil sa uto ng kanikang amo na nag-alala sa pagpapasara ng ilang border gates sa pagitan ng Hong Kong at China noong Enero 30. Habang sinabihan nilang ang kanilang mga kasambahay na bumili ng dagdag na bigas, noodles, de lata at iba pang madaling maluto at kainin, ganoong din ang ginawa ng maraming taga Hong Kong..
Ang iba ay pinasagsag sa palengke para naman mamili ng mga sariwang isda, karne at gulay, sa takot na biglang mahinto ang pag deliver ng mga ito na karamihan ay sa China nanggagaling.
CALL NOW! |
Isa si Gie Vibar ng Homantin sa naatasang mag panic buying ng kanyang amo. Ayon sa kanya hindi lamang mabilis naubos ang mga paninda sa supermarket at sa palengke, kundi sobrang mahal din, lalo na ng gulay.
Gayun din ang naging karanasan ni Ana de Vera na sa palengke ng Wanchai nautusang mamili.
Noong una akala ng ilang mga kasambahay ay dahil ito sa katatapos na Chinese New Year, ang panahon na sadyang nagmamahal ang lahat ng mga tinda. Agad naman silang itinama ng ilang kakuwentuhan sa social media, na batid ang tunay na dahilan kung bakit kandarapa ang marami na punuin ang kanilang bahay ng pagkain.
CALL OUR HOTLINE
Ayon sa isang nagreklamo sa chat sa Facebook, sa kuwarto niya itinambak ang lahat ng mga pinili kaya halos hindi na siya makagalaw.
Marami ang nagpakita ng santambak na bleach, alcohol at hand sanitizer na pinagbibili ng kanilang amo sa takot na maubusan sila ng supply ng mga pangontra sa kumakalat na coronavirus.
Hindi nagpahuli sa pamimili ng walang patumangga ang mga amo ni Joe Man na drayber sa pamilyang nakatira sa Tai Wai. Kasama ang pamangkin ng amo ay nagpunta sila sa dalawang nangungunang supermarket sa Hong Kong kung saan nakita nila na halos nalimas ang mga bag ng bigas, noodles, tinapay at kung ano-ano pa.
Naisipan ng kanyang mga amo na magdagdag ng stock sakaling maantala ang pagdating ng mga bagong supply o kaya ay magtaas ng sobra ang presyo ng mga bilihin.
Natawa si Joe sa sinabi ng isang Intsik sa kalsada na dahil sa takot ng mga taga Hong Kong sa posibleng pagkalat ng sobra ng coronavirus ay posibleng makaligtaan na ang protesta na nagdulot ng malaking agam-agam sa mga tao sa huling anim na buwan ng nakaraang taon.
--
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer. Pindutin ulit upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin ang mga numero.