Dalaga pa si Jocelyn nang unang magpunta sa Hong Kong pero hindi nakaipon sa unang anim na taon niyang pagsisilbi. Ang lahat ng kanyang kita kasi ay ginugol niya sa pagsuporta sa pamilya sa Pilipinas.
Pero pagsapit niya ng ika-31 taong gulang ay nagpaalam siya sa amo na uuwi muna upang mag asawa.
Pumayag naman ang kanyang amo at nagkasundo sila na babalik siya sa kanila pagkatapos ng isang taon.
Call us! |
Sinuwerte naman siya dahil maaga siyang nabuntis kaya naka isang taong gulang na ang kanyang anak nang tawagan siya ng amo at pabalikin sa Hong Kong ayon sa kanilang kasunduan.
Sa kanyang pagbabalik ay nangahas siyang umutang ng pera sa bangko para magpagawa ng dalawang palapag na bahay sa kanilang probinsiya.
Dahil dito ay naging puspusan ang kanyang pagtitipid at minsan ay tumatangap pa siya ng “kuskos” sa kapatid ng amo para madagdagan ang kanyang kita.
Call us now! |
Mabuti naman at mabait at galante ang kanyang amo kaya wala siyang alalahanin sa trabaho at pagkain.
Ang mga amo niya ang bumibili ng kanyang mga damit at pati ang panggastos niya tuwing Linggo ay ibinibigay ng kanyang mabait na popo.
Sa loob ng apat na taon na muli niyang paninilbihan sa kanila ay napatapos niya ang kanyang bahay na pinapaupahan na niya ngayon.
Call now! |
Ayon kay Jocelyn ay ibinaon niya ang sarili sa utang upang may kapuntahan ang kanyang sweldo at pag aabroad.
Sa darating na taon ay matatapos na niyang muli ang kanyang kontrata, at balak niyang bumalik na sa Pilipinas upang mabantayan ang kanyang anak.
Si Jocelyn ay tubong Leyte, at naninilbihan sa mga among Intsik na nakatira sa Kennedy Town – Ellen Asis