“You are both going to the Philippines this Christmas!”
Ito ang mga salitang lubos na nakapagpaligaya sa magkapatid na Silmar at Allyn nang umuwi sila sa bahay ng amo pagkatapos mag day off noong Dec. 1.
Ayon sa kanilang mga amo sorpresa nila ito sa magkapatid dahil alam nilang matutuwa ang dalawa kapag nakapiling ang kanilang pamilya sa araw ng Pasko.
Napag-alaman kasi ng kanilang among lalaki nang ipadala siya ng kanyang kumpanya sa Pilipinas na simula Setyembre ay ipinagdidiwang na doon ang Pasko.
CALL NOW! |
Nakita daw nito na puno na ng palamuti ng kapaskuhan ang ibat-ibang lugar sa bansa lalo na ang mga mall, nang pumunta ito doon noong Septyembre.
Dalawang taon pa lang naninilbihan ang panganay na si Silmar sa mga amo na bagong kasal noon. Nang mabuntis ang among babae sa pangalawang anak ay kinailangan nilang kumuha ng makakasama ni Silmar kaya inerekomenda nito ang kapatid na si Allyn na kababalik lang sa Pilipinas galing sa pagtatrabaho sa Malaysia.
Masaya ang magkapatid sa kanilang paninilbihan dahil mababait ang mga amo at kahit ano ang ihain nila sa mga ito ay kinakain.
CALL OUR HOTLINE! |
Minsan kapag walang maisip na iluto ay hinahandaan ang mga ito ni Silmar ng adobo at paksiw at walang kahit na anong reklamo ang naririnig niya.
Sa sorpresa ng mga amo ay lalong sumaya ang magkapatid dahil matagal-tagal na rin na hindi nagkakasama ng buo ang kanilang pamilya.
Si Silmar ay hindi pa nakakapag Pasko muli sa Pilipinas simula nang mag abroad siya papuntang Singapore, hanggang malipat siya sa Hong Kong.
Call us! |
Siya ang panganay sa kanilang mga magkakapatid at naging tagapagtaguyod ng pamilya nang pumanaw ang kanilang ama. Si Allyn naman ay maagang nag asawa kaya kailangan na ring kumayod para mapaaral ang mga anak.
Nagpunta siya sa Malaysia dahil kulang na pantustos ang kinikita ng kanyang asawa sa kanilang sakahan.
Si Silmar ay binigyan ng isang buwan bakasyon at dalawang linggo naman kay Allyn na mag-iisang taon pa lang sa mga amo.
Umuwi noong Dec. 22 ang magkapatid na tubong Bacolod. – Ellen Asis
---
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer. Pindutin ulit upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin ang mga numero.