Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Nawala mga dokumento

11 January 2020


Unang beses pa lang nakalabas sa bansa si Weng nang dumating sa Hong Kong para manilbihan bilang kasambahay.

 Pero ang sobrang saya niya dahil natupad ang pangarap na mangibang bayan ay napalita ng lungkot dahil nakalimutan niya ang isang plastic folder na naglalaman ng lahat ng kanyang mga dokumento pagkatapos niyang sumakay ng bus.

Walang sumalubong sa kanyang grupo sa airport kaya abala siya at mga kasama sa pagbabantay sa mga landmark ayon sa tagubilin ng kanilang ahensya. Nang makarating sila sa opisina ng ahensiya ay saka lang niya napansin na wala na ang dala-dala niyang folder.

Call us!

Pupunta na sana silang lahat sa Immigration para mag-apply ng Hong Kong ID pero hindi na siya makakasama dahil wala ang kanyang pasaporte.

Nagreport na ang agency sa pulisya at itinawag na rin ito sa kumpanya ng bus pero walang report ang kung sino man ang nakapulot ng kanyang nawawalang mga dokumento.

Call us now!

Payo ng isa niyang kaibigan, dapat ay ilagay lahat sa bag ang mga mahahalagang dokumento para hindi makalimutan.

Manatili ding alerto para walang nawawaglit o nakakalimutan. Humingi na ng tulong si Weng sampu ng kanyang mga kaibigan para maibalik ang kanyang mga dokumento at makapag-umpisa ng trabaho ng walang aberya.

CALL OUR HOTLINE

Pero hanggang sa pagsulat ito ay wala pa ring balita na nakuha na niya ang mga personal na gamit. Si Weng ay 28 taong gulang at tubong Bisaya. – Marites Palma
 ---
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer. Pindutin ulit upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin ang mga numero.
Don't Miss