Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Nagbago ang amo

10 January 2020


Nagbago ang magandang pakikitungo kay Lyn ng kanyang among Intsik pagkatapos ng 25 taon na tapat niyang paninilbihan.

Dati ay mabait naman ang among babae kaya kahit hindi ibinibigay ng tamang annual leave niya ay hindi siya umaangal.

Sa loob ng 16 years ay tag 14 na araw lang ang ibinibigay na leave sa kanya at ang kulang niyang bakasyon ay hindi na binabayaran.

Call us!

Tuwing Chinese New Year ay “no work, no pay” pa siya.

Napamahal na siya sa pamilya, lalo na sa kanyang mga alaga na ngayon ay may kanya- kanyang pamilya na.

Pero nagbago ang amo simula nang may makaibigan itong mahadera at pinapakilaaman na ang magandang trato sa kanya.

Call us now!

Nasulsulan ang amo na kapag nagbabakasyon sila sa China ay kapalit na iyon ng kanyang mga day off.

Kung ilang araw silang wala ay iyon din daw ang mga araw na dapat ay day off niya kaya hindi na siya pwedeng lumabas tuwing Linggo.

Ganoon daw kasi ang ginagawa ng pakialamerang kaibigan ng kanyang amo sa kasambahay nito. Palagi na ring nambubulyaw ang matanda at pinagsasabihan siya ng di maganda kahit bagong gising sila.

CALL OUR HOTLINE

 Hirap na hirap si Lyn sa mga pangyayari, at nagbabalik tuloy ang mga taon na nagparaya siya sa among matanda na.

Nagka nerbiyos na siya tuloy dahil sa uma-umagang pagbubunganga ng amo.

Dahil dito ay naisipan niyang kausapin ang alagang panganay na alam niyang nakakaunawa sa kanya. Nangako naman ito na kakausapin ang mga magulang sa mga isinumbong ni Lyn sa kanya.

Umaasa si Lyn na maibabalik pa ang dati nilang samahan. Si Lyn ay 51 taong gulang, may asawa at anak at tubong Nueva Ecija. – Marites Palma
 ---
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer. Pindutin ulit upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin ang mga numero.
Don't Miss