Excited na gumising si Laila kamakailan para sa kanyang day trip sa China kasama ang ilang kaibigan. Nakarating naman siya ng maaga sa takdang tagpuan nila, at nakasakay ng train papunta ng Lowu.
Pagdating doon ay kailangan nilang mag finger print batay sa bagong patakaran para sa mga bagong papasok ng China.
CALL NOW! |
Pumila silang magkakaibigan, at noong siya na ang nagtangkang mag fingerprint gamit ang nakatalagang makina ay ganoon na lang ang pagkadismaya niya dahil hindi mabasa ang kanyang daliri.
Halos lahat ng mga fingerprinting machine na nandoon ay sinubukan niya pero walang nangyari.
Pinagtulungan na siya ng ng mga kasama pero hindi pa rin umobra.
CALL OUR HOTLINE! |
Dahil kailangan na nilang makatawid sa Immigration ay pinapila na lang siya ng tour organizer sa counter kasama ang kanyang grupo na nasa listahan.
Abot-abot ang kaba ni Laila habang nakapila sa Immigration counter dahil takot na maiwanan. Tuwang tuwa pa naman siya na makasama sa lakad dahil ito ang unang pagkakataon na magliliwaliw siya doon pagkatapos ng halos dalawang dekada niyang paninilbihan sa mga amo sa Hong Kong.
Call us! |
Mabuti na lang at pagdating niya sa counter ay sinabihan lang siya na magpa fingerprint, at laking tuwa niya dahil mabilis namang nabasa ang kanyang mga daliri.
Ayon kay Laila, ang pamamasyal niyang ito ay isang pakunsuwelo sa sarili pagkatapos ng maraming taong puro pagtitipid para sa pamilya.
Sa ngayon ay natupad na niya ang kanyang mga plano sa buhay kaya panahon na din para maglibang paminsan minsan. Si Laila ay tubong Norte at 50 taong gulang. — Marites Palma
---
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer. Pindutin ulit upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin ang mga numero.