Ni Marites Palma
Naputol ang gitnang daliri sa kanang kamay ni Junelyn B. Gameje dahil sa kagat ng isang German Shepherd na nakasalubong niya habang inilalakad ang alagang aso sa Clear Water Bay nitong nakalipas na ika-10 ng Disyembre.
Agad naman siyang naitakbo sa Tseung Kwan O Hospital kung saan siya nabigyan ng karampatang lunas. Tinahi ang nakagat niyang daliri at agad siyang pinauwi bagamat araw-araw pa rin siyang pumupunta sa ospital para ipalinis ang kanyang sugat.
Call us! |
Pinaniniwalaang kinain ng asong kumagat kay Gameje ang naputol na daliri dahil hindi ito mahanap sa lugar kung saan nangyari ang insidente.
Dumating noong Dec 22 ang asawa ni Gameje upang alalayan siya at suportahan. Hindi ito agad nakarating sa Hong Kong dahil inipit ng ahensyang pinag-aplayan niya ng trabaho ang kanyang pasaporte, at kinailangan niyang tubusin ito ngPhp8,000 para lang makaalis.
Call us now! |
Nai-report na sa Labour Department ni Gameje ang nangyari sa kanya para sa karampatang kabayaran dahil nangyari ang sakuna habang siya ay nagtatrabaho. Nagharap na rin sila ng may-ari ng aso at nangako naman ito na sasagutin ang anumang danyos na hihingin niya.
Call now! |
Payo niya sa mga kapwa OFW, huwag balewalain ang anumang sakuna na may kinalaman sa aso, sino man ang may-ari nito. Ang mga kagat na natamo ay maaaring gamitin na dahilan para maghabol ng danyos, kahit pa ang may-ari ng hayop ay ang amo nila mismo.
---
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer. Pindutin ulit upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin ang mga numero.