Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Dugyot si amo

04 January 2020


Inirelease ng amo si Gen dahil sa maninirahan na sa Canada ang mga ito.

Sa loob ng anim taong panunungkulan ni Gen sa kanila ay naging masaya siya dahil magaan ang kanyang trabaho at malinis sa bahay ang mga amo.

May mga araw lang na napupuyat siya kapag may mahjong ang mga ito pero hindi naman siya masyadong nababahala dahil nabibigyan siya ng pera ng mga bisita.

CALL NOW!

Plano na sana niyang umuwi dahil sa edad niyang 52 ay malamang hindi na siya makakuha ng bagong amo.

Ngunit sinuwerte pa rin siya dahil may among taga Peak at mag-isa lang sa bahay ang kumuha sa kanya.

Akala ni Gen ay swerte siya dahil mukhang edukado ang amo ngunit mali pala siya. Kabaligtaran ng dati ang bago niyang amo dahil sobrang dugyot at tamad nito.

CALL OUR HOTLINE!

Nagkalat ang mga tissue na ginamit nito kahit katabi na niya ang basurahan kaya laging si Gen ang pumupulot ng mga ito sa sahig para itapon sa basurahan.

Ubod din ito ng tamad dahil kahit abot-kamay na ang mga kailangan ay tatawagin pa si Gen para iabot ang mga ito sa kanya.

May baltik din ito dahil minsan naman ay bigla itong nagpalinis ng mga bintana kahit maulan.

Call us!

Ang isa pang ikinakainis ni Gen ay tawag ito ng tawag sa kanya kahit may ginagawa siya kaya madalas silang mag away. 

akiramdam ni Gen, sinusulit nito ang pasweldo sa kanya dahil mag-isa lang siyang pinagsisilbihan.

 Para naman kay Gen mas malala pa ito sa bata kung umasta. Wala itong ginagawa maghapon kundi manood ng video gamit ang cellphone, at mag computer.

Ayon kay Gen plano niya na tapusin na lang ang kontrata at umuwi na for good para makasama ang pamilya at makapagpahinga na rin siya.

May sapat naman siyang ipon at marami nang alam na pwedeng pagkakitaan sa probinsya nila sa Cagayan. Si Gen ay 15 taon na sa abroad at dalaga. – Ellen Asis
---
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer. Pindutin ulit upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin ang mga numero.

Don't Miss