May nagkunsulta kung ano ang dapat niyang gawin dahil pinapalinis ng kanyang amo ang kanilang malaking bintana gamit ang panlinis na may mahabang stick.
Ang problema ay walang grilles ang bintana, kaya kahit kamay lang niya ang inilalabas niya ay halos matumba na siya palabas mula sa tinutuntungan niya dahil kailangan niyang abutin ang dulo ng malapad at mataas na bintana.
Call us! |
Nagpadala pa siya ng video na nagpapakita kung paano niya pinipilit linisin ang malaking bintana ayon sa utos ng kanyang amo.
Sabi pa niya ay ganun daw kasi ang ginagawa ng dating katulong ng kanyang amo.
Pinayuhan naman siya na bawal ang ginagawa niya dahil walang grilles ang bintana.
Call us now! |
Kahit kamay lang ang inilalabas niya ay malaki ang tsansa na mangalay siya at tuloy mahulog mula sa malaking bintana dahil walang harang iyon.
Ang payo sa kanya ay ipakita ang kanilang kontrata sa amo kung saan nakasulat na bawal maglinis ng bintana mula sa labas kung (1) may ibang parte ng katawan bukod sa kamay ang ilalabas at (2) walang grilles ang bintana.
Call now! |
Kung hindi daw niya kayang sabihan ang amo niya ay humingi siya ng tulong sa Philippine Overseas Labor Office para sila ang magsabi sa agency niya.
Sagot naman niya, kamag-anak daw kasi ng kanyang amo ang may-ari ng agency, kaya malamang na makarating sa employer niya ang sumbong.
“Baka ma terminate ako, wala akong makuhang ibang employer pag di ko siya sinunod,” sabi pa niya.
Tinapos ng ka chat niya ang usapan sa isang tanong, “Mamili ka, trabaho mo o buhay mo?”. -DCLM
---
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer. Pindutin ulit upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin ang mga numero.