Isa sa hinimpilan ng grupo ay ang Chater Garden. |
Ni Ellen Asis
Bilang paggunita sa ika 123 taon ng pagkamatay ni Dr. Jose Rizal ay nagsagawang muli ang grupong Lakbay Dangal ng pagbisita sa ilang lugar sa Hong Kong kung saan nanirahan at nagtrabaho ang pambansang bayani ng Pilipinas.
Ang tinawag nilang Rizal Day Historico-Cultural Trail ay kanilang isinagawa noong ika-29 ng Disyembre sa mga piling lugar sa Central na naging bahagi ng buhay ni Rizal.
Nagsimula ang pagbabalik-tanaw at aral ng grupo sa Chater Garden na siyang nagsilbing tagpuan na rin nila. Ayon sa grupo, ang Chater Garden na isang sikat na tagpuan at tambayan ng mga migranteng Pinoy ay dating Cricket Club noon.
CALL NOW! |
Ayon sa LD na pinamumunuan ni Cecile Eduarte, nagkaroon sila ng mataas na pagpapahalaga sa makasaysayang buhay ni Dr Rizal dahil sa kanilang ginaganap na paggunita sa kanya sa pamamagitan ng paglalakad.
Nagsilbing inspirasyon din daw sila ng mga estudyanteng dayuhan na isinama nila sa kanilang lakbay-aral dahil kahit wala sila sa sariling bayan ay naroon pa rin ang kanilang matinding mithiin na tumulong ipalaganap ang mahalagang parteng ito ng ating kasaysayan.
Sa pagkakataong ito ay binisita din nila ang iba pang makasaysayang lugar sa Hong Kong katulad ng Court of Final Appeal (na dating gusali ng Legislative Council), Statue Square, Hongkong Bank at The Ice House. Mula rito ay tumuloy sila sa Duddell Street kung saan nakatayo dati ang klinika ni Dr Rizal, at sa Rednaxela Terrace kung saan nanirahan ang kanyang pamilya.
CALL OUR HOTLINE |
Kabilang sa mga sumama sa lakbay-aral si Lovelyn Orense na nagsabing marami siyang natutunan na gusto niyang ibahagi sa kanyang mga kaibigan. Hindi siya makapaniwala na ang mga lugar na dati niyang dinadaan-daanan ay makasaysayan pala.
Tuwang-tuwa din si Merly Nellas na napasama sa grupo sa unang pagkakataon. Marami daw siyang natutunan sa kasaysayan ng Hong Kong tulad na lamang kung saan nanggaling ang pangalan nito, na ang ibig sabihin sa wikang Ingales ay “fragrant harbour”. Taliwas daw ito sa dating hitsura ng Hong Kong na tuyot ang lupa pero dahil sa positibong pananaw ng mga dayuhang mananakop ay binigyan nila ito ng magandang pangalam.
Ang Lakbay Dangal Hongkong ay binubuo ng mga migranteng Pilipino na mahilig sa pag-aaral ng kasaysayan. Inilunsad ang grupo noong ika-14 ng Marso, 2010 sa pamumuno ni Sonia Zerrudo at tulong ni Fr. Robert Reyes.
Call us! |
Layunin nila na patatagin ang makasaysayang ugnayan ng Hong Kong at Pilipinas, magsanay bilang tour guide, at itaas ang kalidad ng pag-iintindi sa kultura at kasaysayan ng bansang Pilipinas.
---
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer. Pindutin ulit upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin ang mga numero.
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer. Pindutin ulit upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin ang mga numero.