May nagtanong sa isang online group kung ano daw ang madalas na dahilan kung bakit may mga OFW na kabi-kabila na ang utang sa mga financing company (“bangko”), tapos may utang pa sa mga patubuan sa labas kaya mas lalong nababaon sa utang.
Marami ang nagsabing huwag na lang pakialaman ang nasa ganitong sitwasyon, pero meron din nagbigay ng iba-ibang dahilan, mula sa sobrang luho o yabang, ayaw malamangan, o inaako ang lahat ng gastusin ng pamilya.
Susog ng isa, yung iba daw kasi ay umuutang ng sobra sa kakayahan nilang magbayad, kaya kapag hindi na kinayang bayaran ang isang utangan ay lalapit sa iba pa.
Call us! |
Isa sa mga nagkomento ang nagsabi na isang malaking dahilan ang mga tao na hindi marunong humarap sa responsibilidad.
Sila yung nangungutang at iniiwan ang “kawawang reference” para magbayad.
“Sana mawala na ang ganitong kaugalian ng mga OFW dito sa HK,” sabi niya. “Sana maging responsableng mangungutang naman po para di tayo nakakaagrabyado ng kapwa.”
Ayon naman sa isa pa, marami ang nababaon sa utang dahil pinapasan lahat ang responsibilidad sa pamilya.
Call us now! |
Mern yung sunod-sunod ang trahedya sa pamilya, at walang inaasahan ang lahat kundi siya. Ang masaklap lang, sabi niya, kulang pa ang sahod nila para pambayad sa utang.
“Unawain na lang po natin sila.. Pasalamat tayo dahil hindi tayo ang nasa ganung sitwasyon.” Sabi naman ng isa, hindi naman masama ang mangutang, basta huwag lang tatakbuhan. Sinang-ayunan naman ito ng isa pa, na nagsabing,
“Tama, ang pera kikitain mo pa, pero kapag tiwala ang nasira, mahirap na ibalik.”
Ibinahagi naman ng isa na tuwing may biglaang pangangailangan ang pamilya niya sa Pilipinas ay doon sa isang tita niya tumatakbo para mangutang kaya hindi nababawasan ang suweldo niya buwan-buwan.
Iyon nga lang, siya lang din ang nagbabayad ng mga utang na ito.
Sagot naman ng isa pa, buti daw at may iba silang natatakbuhan, at mabuti na doon na lang sila magkautang sa Pilipinas kaysa dito sa Hong Kong kasi “tiyak, magugulo ang mundo mo.”