Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Masakit sa salita

17 December 2019



Sa 25 taon naming serbisyo sa Filipino community sa Hong Kong, naging saksi kami sa pagbabagong nagaganap sa mga Pilipinong naninirahan dito. Isa sa mga napansin namin ang pagbabago ng ating ugali.

Makikita mo ito sa mga comment sa Facebook hindi lamang ng The SUN kundi ng iba pa. Kahit sa ating personal na FB page, mapapansin din natin na ilan sa ating mga kaibigan na alam nating mabait ay bigla na lamang nagiging masakit magsalita.

Call us!

Minsan ay naglabas kami ng isang news story tungkol sa isang Pilipina na hindi na pinayagang tumagal pa sa Hong Kong bilang refugee applicant. Ang dahilan niya kung bakit ayaw niyang umuwi sa Pilipinas ay natatakot siyang patayin ng kanyang asawa, dahil naanakan siya ng ibang lalaki habang nasa Hong Kong.

Ilan lang sa mga panlalait niyang natanggap:
• “bahala ka sa buhaymo landi
• “May asawa na kc kung bakit kumakaringking pa.. malandi at mslibog ka Lang kmo di Mo kayang mabuhay ng walang TUTURJAK Sau. Style Mo bulok. bka kamo ayaw Mo ng umuwi ng pinas pra dito knalang mag stay...”

Call us now!

Pero hindi pa huli ang lahat , dahil mayroon pa ring “voice of reason,” ika nga.

Ganito ang komento ng isa: “MAPANGHUSGA SA KAPWA PARA WALA SILA KASALANAN GINAWA. NA EXPOSE LANG UN KAY ATE PERO KWIDAW KA UN IBA MAKA BASH AKALA MO NMAN MALILINIS SILA,

HUMARAP MUNA KAYO SA SALAMIN AT TINGNAN ULING NIO MUKHA, BAGO NYO PUNAHIN ULING NG INYONG KAPWA”

CALL OUR HOTLINE!

Ang pinakagusto namin ay ang paalalang ito: “Just Pray na malampasan mo lahat na pagsubok. Lahat naman my solusyon. At lahat tayo nakakagawa ng kamalian. Ang mga judgemental be careful. baka your the next in line na madapa one day mas malala pa maranasan nyo sa maranasan nya.. maraming tao sa mundo ang nagkakamali.. we are born all as a sinners.. One day lahat tayo I judge and no excuse baka yong gi najudge natin sya pang unang maligtas kasi pagsisihan nya yong mga nagawa nyang mali.Alam nyo kung sinong pinakamarumi sa paningin nang Diyos..hindi sya kundi yong mga taong mapanghusga.”


---
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer. Pindutin ulit upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin ang mga numero.

CALL US NOW!
Call now!
Call us!

Call us now!
Call us!
CALL US NOW!
Call us!
CALL US NOW!
Call now!
Don't Miss