Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Lungkot, tapang at tiyaga ng OFW sa araw ng Pasko

26 December 2019

Midnight Mass sa Bayanihan Center sa Kennedy Town. (Photo by Weng LA)

by The SUN

Naglabasan na ang mga larawan ng Pasko ng mga OFW sa Hong Kong: Mga larawan ng kanilang pinuntahan sa araw na ito -- gaya ng Disneyland, mall o sa tabi-tabi lang sa Central -- ng kanilang mga suot na bagong damit at sapatos at, higit sa lahat, ng kanilang mga ngiti na nagpapahiwatig sa mga naiwan nila sa Pilipinas na, “Okay ako dito, huwag kayong mag-alala.”

Pero sa ilalim ng mga ngiting iyan ay nagtatago ang lungkot ng isang ina, isang kapatid, isang anak, o asawa, na nawalay sa kanyang pamilya sa pinakamasayang araw ng taon. Ang sabi ni Rosemarie Llaneta, na nagbigay ng buod ng buhay-OFW sa Pasko: “Worst feeling. Silang lahat masaya pero ikaw nagpapanggap lang na masaya.”

Sinuri namin ito at ilan pang mga comment na ibinahagi ng mga mambabasa ng The SUN nang itanong namin ang ganito sa isang post noong Dec. 19: “Maligaya ang Pasko sa Pilipinas. Paano mo idaraos ang Pasko kung ikaw ay nasa Hong Kong?”

Call us!

Umabot sa 51,420 na nakabasa ng post, 408 ang iniwan nilang “Comments”, at 169 ang nag-share ng post.

Nasa pagpaplano ang mapagpapalipas sa araw na ito, ayon kay Viktoryah Delosreyes Teodoro “Magsisimba, Video call sa family, konting iyak, kain, tulog... Then New Year na.” Dagdag ni Jho Anne: “Christmas na rin ‘yun.”

Ito naman ang plano ni Rainelyn Mondjar: “… maghanda ako ng simpleng Noche Buena kahit mag isa, sabay tawag sa family, mag suot lang ng red as symbol of courage , love and happiness as well.”



Nasa sa isip naman kasi ang Pasko. Ayon kay Zechariah Tongue Tower Ramlec: “Mag imagine na nkakasama mo cla… (Hang)gang imagine nlng… kaya ang lungkot ng pasko pag wla ka sa piling ng mga tao na nagpapahalaga sayo.” Dagdag ni Mergelin Ocampo: “Muni muni lng po, gawing masaya ka khit Hindi.” Dagdag ni Lerma Mansilungan: “Tinatawagan ako video call, kaya parang andon din ako pag Pasko.”

At may isa pa kaming natuklaasan: Ang tapang na suungin ang mga pagsubok sa buhay at pagtupad sa mga kailangan ng kanilang trabaho.

Payo ni Crizelda Bautista sa kapwa OFW: “Huwag palungkutin ang sarili, nandito ka para mag trabaho at para sa pamilya ang ginagawa mo, hindi mo kailangan mag emote ng mag emote. Laban lang at be positive.”

Nasa isip pa rin ni Jane Andres ang pamilya sa gitna ng kalungkutan:  “Mag overtym para may maipadalang panghanda ng familya sa New Year.”

Dagdag ni Nyltejuj De Lasam: “Ever since pg apak q dto sa bahay ni amo, wlng day off tuwing Xmas kc bc aq mg prepare at magluto pra sa Xmas party nila... Lunch till Dinner.., Asan kpa bagsak ang katawan. Pero konting tiis nlng lapit na aq mg for good.

Sang-ayon si Nick Medes Manriza: “Work mode lng po no choice isipin n lng basta happy family ok n rin sacrifice makakamit dn sa pagdating ng panahon."

May kanya-kanyang paraan ang mga OFW sa pagdaraos ng Pasko sa Hong Kong, 
gaya ng magkakaibigang ito. Photo by Weng LA.

Ang importante, hindi mawala ang pagtutok sa kung bakit tayo nasa Hong Kong. Ika nga ni Atcidineb Acarrab: “Batiin nalang sila, kasi alang magawa, may trabaho. Unahin muna ang trabaho para sa pamilya, may araw din na makapamasko sa Pinas.”

Dagdag ni Maltamay Salvador Dano: “Simple lang gawing makabuluhan ang araw ng pasko. Magsimba at magpasalamat sa taong nagdaan at isasaisip q isang araw makakasama q ang pamilya q sa araw ng kapasukan at hindi naman pang habang buhay malayo aq sa knila....dahil ang pansamantalang malayo aq ang adhikain q ay ang mapabuti ang kanilang kimabukasan.”

At ayon kay Caroline Isulan Macarahay: “Manood nlng s mga post nla habang nkahiga n minsan dna nkaantay ng 12 tulog n kc pagod s work pro msaya n rin bsta nkkita mo n msaya cla nkkainggit mn pro icpin nlng kng hindi dahil s padala mo bka hindi rin cla masaya.” Ganito rin si Elay Jaca Arconada: “Nood nlng ng kasiyahan nila sa Fb na taga pinas.piro ang luha ay dumadaloy... 9 yrs na wala ako tuwing Pasko at New Year sa Pinas. Sa mga mahal ko sa buhay.”

Dahil ang Pasko ay nataon sa Miyekules, ang bisperas ay isang regular na araw ng trabaho. Kaya naman, habang ang kanilang mga pamilya ay nagtitipon-tipon sa bahay para sa media noche at bigayan ng mga regalo sa isa’t isa, karamihan sa mga OFW na nag-comment ay matutulog na lang.

Ika ni Leah Bungag Guanzon: “Itulog ang pagod sa maghapon.” Dagdag ni Civoryvoj Campang Ferrera: “Tamang tulog lang po.” Amalia Acorda Guieb: “Wala lng ayun at may rally sa pasko itulog nlng yan at lilipas din.” Dang Dang: “Nasanay na ako sa 10 na taon na matulog tuwing pasko. Sana darating ang panahon na makasama ko naman family ko sa Christmas.” Rose Reyes Pagarigan Masangya: “Kung puede lang lumipad saglit paue ng pilipinas siguro nagliparan na tayong lahat ng ofw makasama lang ang mga mahal natin...pero di puede kaya tulog na lang tayo kinabukasan dina pasko saklap ng life.” Susan Oronia Castro: “I want to sleep more para makabawi ng lakas.”

May hindi makalabas sa araw ng Pasko, gaya ni Geenette Coloma: “Normal day...kuskos pa rin kasi hindi pinapalabas ng amo..(palit araw sa bakasyon nila). Si Emelita Balasabas Cempron: “Ako wala pasko huhuhuh kasama alaga na bata ,,,” At si Gras Ya: “Stay at home with 2doggies.” Benedict Dumelod: “Eh ano pa, d mag trabaho lng ... yan nman ang pinunta natin d2.”

Pero nasa tao ang pagpili kung magiging malungkot o masaya. Pinili ni Yolly Lobenia Cerveza na maging masaya “Birthday ng amo ko...kaya my party kami sa bahay sabay na den ang xmas party namin kaya masaya ang pasko ko dto sa hongkong. kasama ko mga amo ko… thank you Lord!” Hindi naman mapigilan ni Malene Guzman Dalit ang maging malungkot: “I will spend my xmas in China haha. Sad.”

Pero siyempre, hindi pa rin mapipigilan ang paghahanap ng kasiyahan ng karamihan. Si Jona May Love, huhugutin sa espiritwal ang kaligayahan; “Nanjan nmm c Lord kaya sapat sapat na po..cia ang mgpupuno ng kagalakan sa mga puso natin para wag ma-homesick.”

Ang iba ngaman ay may kanya-kanyang paraan upang mapawi ang lungkot ng Paskong malayo sa pamilya:

Reh Tse Enciso: “maidaraos k ang pasko sa hk together with my friends...uupo s.park kakain..kwentuhan at. syempre ...ka vdeo call ang pinas nkakamis magpasko sa pinas pero ...kylangan magtiis d.sla mksama pra s future.

Marisean Artuz Lerona: “Idaan sa tagay pag may tym poh ,mnsan lng nman.”

Genelyn Cadungog: “Mag busy busy han. Hehehehe normal nlang.”

Mharj Jhorhie Ahsun-ciohn: “with my Mission Movers Hk family...”

Lenie Paras: “Try to enjoy with friends, khit malayo sa pamilya khit magJollibee lang sa Pasko n New Year.”

Anabelle AsawapadinniRichie Nonato: “Sa church kasama churchmates na pamilya n din ang turing sa isat.isa.

Habibti Yat Yee Sei: “I'm going to China for 1 day tour...”

Mary Jane Galletes: “May Christmas party kami sa simbahan, may midnight mass din.”

Fanny Sendin Joveda Celebrate w/ freinds and visit some of our kababayans in shelters

Melody Ramos Leigh: “It's shopping time .....samantalahin ko ang big sale.”

Joan Lee: “Stay at home and watch NETFLIX AND ANIME.”

Lulu Grande Ralutin: “Going to china for 1day tour..pra maiwasan ang homesick.”

Sjflorejie Jimenez: “Magsaya din kahit saang lugar ka basta alam mo ang kahulugan ng Pasko Masaya at kontento walang lungkot na mangyayari. GOD IS ALWAYS WITH ME.”

Maricho Isaac Last year inabot aq.ng 1 am sa work.na cancelled yong sana masasayang gathering get together bonding.mukhang will repeatedly again ngayon pasko.sabi kasi ni boss may mga bisita daw kaya trabahong bahay pa din. nakaplano na sna yong hiking and barbecue.”

Arze Jax: “Nood ng horror movie sa kwarto ko not expecting any from my family.. yun nga lang mag msg kung nakuha na nila padala ko di pa magawa mag greet pa kaya sa pasko? hay buti pa manood ng movie kesa umasa.”

Divina Cahindi Apostol: “Pupunta kami sa macau.”

Emelyn Cimatu Cacay: “We will be having a volleyball one day league for a cause para sa mga kapatid nating nasalanta ng bagyo.”

Neth Torrejas Ramos: “Magcamping overnight.”

Glorifel Salvador Perez Leshyelle: “Sight seeing  beautiful places W my bosses.”

Lynch Delramo: “Tinatanung pa ba yan? Sympre pagkagaling magsimba bibili ng carton e lalatag sa kalsada or tulay mahihiga buong maghapon..”

Candie Aguel: “Go to church and thanks for everything. Because without God in our heart we do nothing. Thanks for all the blessings that he gives to me and to my family now and forever.

Mirasol N Ordanez: “Mag church po. pag uwi tawagan ang family before sleep.”

Dela Cruz Andres Lie: “Punta sa church magdasal sa lahat ng mga biyayang binibigay ng panginoon sa araw araw.”

Lovely Tamondong - Suliva Tatawag ako sa pamilya ko saktong 12:00 am para kahit wala ako sa pasko parang kasama ko na sila sa Noche Buena

Lani Tamesa Calinao: Uupo lang sa park.”

Nhen Torres: “Gawa ka rin ng sarili mong xmas tree, enjoy ka rin dyan sa kuarto mo. Ako may sariling Christmas village hahahaha. Huwag I stress ang sarili sa ikaw nman ang nag decesyon sa pinili mong trabaho . 18 years dito lahat sa HK  ang Christmas ko.”

Myra E. Calina: “Simple lang kaunting salo.salo ksma ang mga kaibgan at my palaro at papremyo din kaming gagawin para maging masaya ang pasko nmin kahit malayo s pamilya.”

Archie Jella Duking Garbin: “Kuskus piga.”

Raquel Casidsid: “Bbq w/friends.”

Emma Centro Miñoza: “Window shopping.”

Liezl Mitchell Ricafort: “Tambay sa park kasama friendship Simba muna bgo tambay.”

Mayroong may planong maging sutil, gaya ni Morales Frediana Manipon: “Magpapaputok ako. Bawal daw sa labas kaya sa loob na lang.”

Ilan sa nag-komento ay nakaraos na sa hirap ng Paskong OFW, gaya ni Yolanda Tadalan Caag: “Hirap tlga pag mlayo sa pinas ang Pasko, Buti ako,dito na sa pinas forgud na, hayahay na buhay.” Dagdag ni Lorvie Bariuad: “14yrs ako di nagpapasko sa Pinas. Ngaun dalawang pasko na ako nagpapasko sa mahal kong pamilya.”

Si Valos Bucsit Lalice naman ay ganito ang pananaw: “Kaht d christmas wlang sawa aqng ngpa2salamat sa Panginoon dhil sa 8yrs na wlng Christmas jn sa hk now dto na kasama anak q… ganon dn ang buhay..nata2kot aq noon pano f forgud na aq un pla ganon dn bzta maronong kng mg ipon..uwi na sarap buhay sariling atin... Merry Christmas po mga kakonyang.”

Isang pagbati na, para kay Macky de Guzman,  ay naging inspirasyon upang kumatha ng isang awit. Ika niya: “Sana mapakinggan nyo ang simpleng kanta ko para sa ating mga OFW kabayan. Salamat po! ” Ang titulo nito ay “Pasko na malayo sa pamilya.” Matutunghayan ito sa: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=115033409953525&id=104925657630967
---
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer. Pindutin ulit upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin ang mga numero.



Don't Miss