Nabaon sa utang si Mutya dahil sa pagtulong kay Gerlie na inakala niyang kaibigan. Nakiusap daw si Gerlie na ipangutang siya ng $4,000 mula sa isang kakilala niya na na nag 5-6.
Ayon kay Gerlie babayaran niya ang utang pagkatapos ng isang buwan ngunit umabot na ng walong buwan na si Mutya ang nagbabayad ng buwanang interes na $400 ay hindi pa rin niya ito masingil.
Kinalaunan ay hindi na niya ma-contact si Gerlie sa telepono.
Pumunta si Mutya sa assistance to nationals section ng Konsulado dala ang resibo sa paglipat niya ng pera sa Hang Seng bank account ni Gerlie, nguni’t hindi din nila alam kung paano kontakin ang may utang.
Gusto sana ni Mutya na kahit ang $4,000 na lang ang bayaran ni Gerlie at hindi na ang ibinayad niya sa buwanang interes.
Mabuti na lang at bandang huli ay may pinsan siya na tumulong na mabayaran niya ang buong halaga na inutang niya sa usurero.
Dahil sa nangyari ay nadala na si Mutya sa mga lumalapit sa kanyang para mangutang.
Pinapaalala din niya sa mga kapwa OFW na pakaingatan ang kanilang kinikita dahil maraming mga manloloko sa mga kapwa nila Pilipina.
Si Mutya ay 42 taong gulang, may asawa at tatlong anak at tubong Guimaras sa Iloilo. Patapos na ang pangalawang kontrata niya sa amo sa Tai Wai. -
Rodelia Pedro
---
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer. Pindutin ulit upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin ang mga numero.