Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Aga, Juday inaasahang mananalo sa MMFF ‘19

20 December 2019



Sa muling pagsali ng mga pelikula nina Aga Muhlach at Judy Ann Santos sa Metro Manila Film Festival, inaasahan nang sila ang mananalo bilang best actor at best actress.

Si Aga ay gaganap bilang bida sa Miracle in Cell No. 7, na hango sa isang award-winning Korean movie. Siguradong mapapaiyak ang mga manonood sa pelikulang ito, na bukod kay Aga ay pawang mahuhusay din ang iba pang artistang kasali, gaya nina John Arcilla, JC Santos, Joel Torre, Soliman Cruz, Bela Padilla at ang batang si Xia Vigor.


Sabi ni Aga, ayaw niyang umasa na mananalo siyang bilang best actor, pero magpa-party daw siya kung sakaling manalo siya.

Patok naman bilang best actress si Judy Ann para sa kanyang pelikulang “Mindanao”, na idinirek ni Brillante Mendoza. Ang pelikula, na Graded A ng Cinema Evaluation Board(CEB), ay umani na ng papuri sa iba’t ibang international film festival na sinalihan nito sa ibang bansa gaya ng Busan International Film Festival, Tokyo International Film Festival Hawaii Film Festival, at marami pang iba.


Kabituin ni Juday sina Allen Dizon, Yuna Tangog, at Ketchup Eusebio.

Si Iza Calzado, na bida sa isa pang MMFF entry na “Culion,” ay siguradong lalaban din sa best actress pero nagsabi na siya na suko siya kay Juday dahil mahirap itong talunin.

Si Sharon Cuneta na nanood sa celebrity premiere ng “Mindanao” ay halos isang kilong tissue paper daw ang naubos dahil sa kakaiyak dito. Binulungan din daw nito si Direk Mendoza na gusto niyang mag-apply para sa susunod nitong pelikula at willing daw itong mag-audition.


Ang mga kalahok sa MMFF sa taong ito:
1) Miracle in Cell No. 7 – Aga Muhlach, Xia Vigor, Bela Padilla, Directed by Nuel Crisostomo
2) Mindanao – Judy Ann Santos, Allen Dizon, directed by Brillante Mendoza
3) Mission Unstapabol: The Don Identity – Vic Sotto, Maine Mendoza, directed by Linnet Zurbano
4) The Mall, The Merrier – Vice Ganda, Anne Curtis, directed by Barry Gonzales
5) Sunod – Carmina Villaroel, Mylene Dizon, directed by Carlo Ledesma
6) 3pol Trobol: Huli Ka Balbon – Coco Martin, Jennylyn Mercado, AiAi delas Alas, directed by Rodel Nacianceno
7) Culion- Iza Calzado, Jasmine Curtis-Smith, Meryll Soriano, directed by Alvin Yapan
8) Write About Love – Miles Ocampo, Rocco Nacino, directed by Crisanto Aquino
Magkakaroon ng Parade of Stars sa December 22, at ang Gabi ng Parangal ay gaganapin sa December 27, 2019.

THE VOICE PH CONTESTANT, BAGONG MIYEMBRO NG BLACK EYED PEAS
Ipinakilala ni apl.de.ap sa Pilipinas ang bagong miyembro ng kanilang hip hop group na Black Eyed Peas na si Jessica Reynoso. Ito ay naganap sa presscon sa Athletics Stadium sa New Clark City sa pagtatapos ng Southeast Asian Games na ginanap sa bansa, kung saan ay nagtanghal ang sikat na grupo, kabilang ang original members din na sina will.i.am at taboo.

Si Jessica ay naging finalist sa season 1 ng The Voice noong 2013, at nakabilang sa team ni apl.de.ap na isa sa mga coaches. Siya ay half Filipino at half African-American, gaya ni apl.de.ap, pero hindi raw niya nakilala ang kaniyang ama.

“I was fortunate na naging part ako ng ‘The Voice,’ and I love doing that show para makadiskubre ako ng mga bagong talents sa Pilipinas,” ang sabi ni apl.de.ap, na katabi ni Jessica.


“Ngayon po, you’re probably wondering kung sino ang kasama naming kumakanta sa stage. I would like to take this moment para ipakilala siya. Galing siya sa ‘The Voice’ Season 1. Galing po sa atin ‘yan, ha. Taga-Laguna siya,” ang dugtong pa niya.

Nagsimula bilang Jessica Reynoso, ngayon ay may bago na raw itong stage name. “She’s been touring around the world with us, developing her career. So mga kababayan, I’d like to introduce, J Rey Soul!”

Si J Rey Soul ang pumalit sa dati nilang miyembro na si Fergie, na umalis na sa grupo noong 2016. Sa international concerts ng grupo sa mga nakaraang buwan, siya na ang umawit sa mga dating inaawit ni Fergie.


MICO PALANCA, PUMANAW NA
Nakatakdang i-cremate ang labi ng actor na si Mico Palanca sa December 13, matapos itong pumanaw noong December 8, 2019, sa edad na 41.

Marami ang nabigla sa pagkamatay ni Mico, at maraming mga haka-haka at mga larawan ang naglabasan, pero hindi na inilabas ang totoong sanhi ng pagpanaw ng aktor, bilang respeto sa hiling kanyang pamilya.

Si Mico ay nakababatang kapatid ng aktor na si Bernard Palanca.

Siya ay anak ni Pita Revilla -Hocson (dating Palanca), na kapatid nina Maritess Revilla-Araneta at Tina Revilla-Osmena, na naging bahagi rin dati ng showbiz; at ni Johnny Revilla, na gumaganap pa rin sa mga TV series at naging pulitiko din.

Si Mico ay apo ng dating sikat na aktor na si Armando Goyena, at pinsan ng mga model na sina Bianca Araneta at Lexi Schulze.

Si Mico ay nagsimula bilang aktor sa “Tabing Ilog” noong 2000, at ilan sa mga TV series na nilabasan niya ay ang “Kay Tagal Kang Hinintay”, “It Might Be You”, kung saan niya nakasama si Bea Alonzo, na naging girlfriend niya ng limang taon; “Buttercup,” at marami pang iba. Huli siyang napanood sa “Nang Ngumiti ang Langit” sa taong ito.

SHAMCEY, PAMUMUNUAN ANG MISS UNIVERSE PHILIPPINES
Hinirang bilang national director ng bagong Miss Universe Philippines (MUP) ang dating beauty queen na si Shamcey Supsup-Lee. Sa kanyang Instagram post, sinabi niyang karangalan daw niya ang mapili sa kanyang posisyon sa isang organisasyon na nagbigay kahulugan sa kanyang buhay bilang isang beauty queen at bilang isang babae.

“I am more than blessed to be the national director of Miss Universe Philippines. As I continue to grow, I understand that being an architect and an entrepreneur are facets that will form part of my core as we continue the projects of Miss Universe, and create more opportunities for aspiring beauty queens in the future,” ang sabi ni Shamcey.

“Thank you for the trust and confidence in my capabilities as a strong and independent woman,” she added.

Si Shamcey ay naging kinatawan ng bansa sa 2011 Miss Universe, kung saan ay naging third runner-up siya sa nanalong si Leila Lopes ng Angola. Siya ay nagtapos bilang magna cum laude sa kursong Architecture sa UP, at naging topnotcher sa licensure exam noong 2010.

Makakasama niya sa bagong organisasayon, na siyang mamamahala sa pagpili sa magiging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe simula sa 2020, sina Jonas Gaffud at Albert Andrada, na kilala na sa mga beauty pageant bilang trainor at fashion designer.

Pinasalamatan ng MUP ang Binibining Pilipinas Charities at Araneta Group sa mahigit 50 taon nilang pamamahala bilang franchisee ng Miss Universe sa Pilipinas.



Si Gazini Ganados ang pinakahuling beauty queen na naging Bb. Pilipinas -Universe, at lumahok sa katatapos na Miss Universe beauty pageant na ginanap sa Atlanta, Georgia sa Amerika. Pumasok siya sa top 20 at nanalo ng best in national costume sa paligsahan na pinanalunan ni Miss South Africa, Zozibinic Tunzi.
---
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer. Pindutin ulit upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin ang mga numero.

Don't Miss