Humingi ng tulong kamakailan ang isang Pinay dahil kinuhanan daw siya ng litrato sa daan ng isang kakilala at ipinasa sa mga pinagkakautangan niya.
Ang ginawa ng mga inutangan niya ay nilagay sa Facebook ang kanyang litrato at nilagyan ng caption na “missing,” “scammer,” “liar,” at kung ano-ano pa.
Sinabi pa nila na ipapa-deport siya sakaling malaman nila kung saan siya nagtatago, o ipa-Tulfo para mabunyag ang kanyang ginawa.
Call us! |
“Ang akala po kasi nila ay hindi na ako magbabayad,” ang sabi ng humingi ng tulong.
Ang totoo daw ay na-scam siya kaya ang lahat ng inutang niya mula sa kanyang mga kamag-anak at dalawang kaibigan ay napunta din sa wala.
Sa katunayan nang kuhanan siya ng litrato ay tumatawid siya sa kalsada galing sa Philippine Overseas Labor Office sa Wanchai para isumbong ang ginawang panloloko sa kanya.
CALL NOW! |
Itinuro daw siya ng mga taga Polo sa assistance to nationals section ng Konsulado para doon humingi ng tulong. Ang payo naman daw sa kanya sa ATN ay iwasan muna ang mag FB para maiwasan ang ma stress sa paniningil ng mga pinagkakautangan niya.
Ang nangyari ay inakala naman ng mga ito na nagtatago na siya.
Ayon sa post ng mga ito, parang wala siyang problema sa litrato, gayong ang totoo ay stressed na stressed na siya talaga.
CALL OUR HOTLINE! |
Balak naman daw niyang magbayad kaya lang ay pakaunti-kaunti lang ang kaya niyang ibalik dahil sa dami ng kanyang utang. Sa tanong niya kung puwede niyang kasuhan ang kumuha ng kanyang litrato ang sagot ay hindi.
Sa pampublikong lugar daw kasi siya nakunan ng litrato, at hindi naman ang kumuha ang nag post ng masasamang salita laban sa kanya, kundi ang mga taong tinataguan niya ng dahil sa utang.
Pinayuhan din siya na mag-focus na lang sa pagbabayad ng kanyang mga utang dahil iyon ang dapat.
Mag-iingat din daw siya sa susunod para hindi ma-scam ulit.
Panghuli, huwag ipapangutang ang perang gustong i-negosyo dahil kung hindi ito magtagumpay o ma-scam siya katulad ng nangyari, malaking problema ang kakaharapin niya. – DCLM
---
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer. Pindutin ulit upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin ang mga numero.
Call us now! |
Call now! |
Call us! |
CALL US NOW! |
CALL NOW! |
Call now! |
Call us! |