Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Mga OFW, hilig ang negosyong may kinalaman sa bigas

12 November 2019

Ni George Manalansan

Image may contain: 13 people, including Weng LA, Leo A. Deocadiz and Victoria Reyes Munar, people smiling, people sitting
Punong-puno ang Polo Community Hall sa dami ng sumali sa pagsasanay ng Card HK Foundation

Hindi man sinasadya, lima sa pitong grupo ng mga migranteng manggagawa na sumali sa pinakahuling seminar sa Entrepreneurship at Business Planning 2019 ng Card Hong Kong Foundation ay bigasan ang gustong inegosyo.

Patunay ito marahil na marami sa mga Pilipino na nangibang bayan ay may balak na pagyamanin ang mga lupaing naiwan sakaling makaipon na ng sapat, o kailangan nang bumalik sa kanilang pinanggalingan.

Umabot sa 89 katao ang walang sawang tumutok sa maghapong pagsasanay ng Card HK Foundation sa tulong ng Philippine Overseas Labor Office, at isinagawa sa  kanilang community hall sa 18th floor ng YF Life Tower sa Wanchai.
Ang ilan sa mga kasapi ay nakasubok nang magnegosyo – may nagtagumpay, ngunit mas marami ang nalugi at huminto pansamantala dahil sa kakulangan pa ng kaalaman.

Isa ito sa mga dahilan kaya inilunsad ng Card Foundation ang ganitong pagbibigay kaalaman upang makatulong sa mga nagnanais na matupad and kanilang pangarap na maging negosyante balang araw.

Inumpisahan ang pagsasanay sa pamamagitan ng pagbibigay-kaalaman sa paggawa  ng basic business plan, at kung bakit ito kailangan at kung paano ito gumagana. Kasama sa pagsasanay ang pagbalangkas ng plano sa produkto at serbisyong gustong pasukan para matugunan ang pangangailan ng pamilya at komunidad. 
Itinuro din kung ano ang epektibong pamamaraan ng pagbebenta ng kanilang produkto, kung bakit bibilhin ito ng masa, at ang kahalagahan ng lokasyon, pag aanunsyo sa makabagong social media at pagpe-presyo ng paninda. 

Tinalakay din ang pinansyal na aspeto ng isang negosyo, kabilang ang kapital, pasweldo sa tauhan, gamit o equipment, gastos sa kuryente at iba pang kailangang gastusan sa araw araw na operasyon. Sinabihan din ang lahat na kailangan nilang suwelduhan pati ang sarili nila.

Image may contain: Leo A. Deocadiz
Ang publisher ng The SUN na si Leo Deocadiz ay isa sa mga nagsalita sa pagsasanay
Si Leo Deocadiz na isang matagumpay na negosyante at  board member ng Card Foundation ay nagbigay linaw sa pagkakaiba ng  "pagkalahatang kita" sa "netong tubo", o yung kita matapos ibawas ang gastusin sa pagpapatakbo ng negosyo.

Tinalakay naman ng lead trainor na si Vicky Munar  ang kahalagahan at business planning at paano ito isinasagawa.
Inatasan ang bawat isa sa pitong trainor na gabayan ang bawat grupo na gumawa ng plano para sa negosyo samantalang si Cecil Eduarte na isa sa mga beterano sa grupo ang naatasan na maging isa sa mga hurado, kasama si Deocadiz.

Nagwagi bilang pinakamahusay na business plan ang “Ginintuang Butil” ng group no 4 na ginabayan ni Joan Cabodil.

 
Ang grupong nagwagi ng "Best Business Plan" para sa negosyong "Ginintuang Butil"


Samantala, iba-iba naman ang dahilan ng mga kalahok kung bakit naisipan nilang sumali sa pagsasanay.

Si Irene Mangandi ng La Union, ay gustong matuto kung paano magtuloy-tuloy ang swerte niya sa negosyo. Una niyang pinasok ang pag sari- sari store, gamit ang Php20,000 na puhunan. Naubos ito dahil sa pautang sa mga kapitbahay na hindi na nagbayad kaya napilitan siyang magsara at pumunta ng Singapore at Qatar.

Nang makabawi ay bumili ng sakahan at umuwi para magnegosyo ng bagsakan ng gulay pero hindi daw niya kinaya ang init kaya muli siyang nahinto. Sumunod ay binili naman niya ng tricycle ang kanyang asawa pero kulang pa rin ang kita nito kaya nag-aplay naman siya papunta ng Hong Kong.

Si Hamilyn Francia naman ng Tabuk City, Kalinga ay hindi rin pinalad sa negosyong pinasok. Pagkatapos ng 12 taon na pagtatrabaho sa Hong Kong ay sumabak siya sa pagluluto ng ulam, at umaabot daw sa 15 putahe ang inihahanda niya bawat araw. Ngunit matindi ang kompetisyon kaya kaunti lang ang kita, at pagod na pagod pa siya, kaya itinigil na niya.

Bumalik siya sa Hong Kong at ngayon ay nakaka 10 taon na ulit dito kaya plano na niyang bumalik ulit at magnegosyo, gamit ang mga natutunan sa pagsasanay ng Card Foundation.

Kakaiba naman ang karanasan ni Teresa Barredo na taga Sucat, Paranaque at 23 taon nang nagtatrabaho sa Hong Kong. Mula sa katas ng Hong Kong, siya ay nakapagpatayo ng apartment na may limang pinto at inuupahan ng Php5,000 ang bawat isa buwan-buwan.

Bukod dito, tumaas na daw ang halaga ng kanyang paupahan. Ang ipinundar niya noon sa halagang Php300,000 ay tinatayang Php1.5 million na ngayon. Malawak daw kasi ang lote nito at malapit sa isang pabrika kaya madaling magpaupa.

Katuwang daw niya sa negosyo ang kanyang ama, at malaki ang naitulong ng Card sa Pilipinas sa mga panahong kailangan niya ng tulong pampinansyal. Dati na daw siyang miyembro ng Card doon.

Ang pagsasanay ang siyang pinakahuli ng Card HK sa taong kasalukuyan. Para sa mga gustong sumali sa hinaharap, mangyaring abangan lang sa Facebook page ng Card Hong Kong Foundation ang paglulunsad ng bagong programa sa darating na taon


---
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer. Pindutin ulit upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin ang mga numero.
Call us now!
Call now!
Call us!
CALL US NOW!
CALL NOW!
Call now!
Call us!
CALL US NOW!





Don't Miss