Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Karahasan

08 November 2019


Nakapanlulumong panoorin sa TV ang mga karahasang nangyayari sa paligid natin. Parang wala nang katuturan ang walang habas na paninira ngayon. Hindi na ito upang gumawa ng punto, hindi na upang magbigay ng mensahe, hindi na upang magpakita ng mas magandang argumento upang makamit ang pagbabago.

Ano ba naman, halimbawa, ang magandang  idudulot ng pagwasak sa mga kagamitan at pagsunog sa mga istasyon ng MTR? Ang mga nanira rin ang walang masakyan kinabukasan, at nadamay pa ang karamihan.

CALL NOW!

At ngayon, ang buong ekonomiya ay nasasaktan. Pinangangambahan ang pagdating ng recession, o ang pag-atras ng ekonomiya. Isa sa nga dahilan nito ay bumagsak ang numero ng mga turista, na nagbibigay ng trabaho sa maraming tao. Humina rin ang negosyo ng mga bangko, na isa sa pinaka-malaking pwersa ng  ekonomiya, at real estate.

Hindi naman ganito ka-grabe noong nagsisimula pa lamang ang protesta laban sa isang panukala sa Legislative Council na payagan ang mga bansang walang extradition treaty sa Hong Kong na kunin din ang kanilang mga kriminal na nagtatago dito. Ayon kasi  sa mga lider ng protesta, pwede itong gamitin ng China upang kunin din hindi lang ang mga kriminal kundi iyong mga negrerebelde laban sa komunista nitong palakad.

CALL OUR HOTLINE!

Hindi ba umabot pa sa dalawang milyon ang nag-martsa mula sa Victoria Park hanggang sa Central Government Offices? Ito ay noong iisa pa lamang ang kahilingan ng mga protesta.

Nagsimula ang karahasan nang magpaputok ng tear gas ang mga pulis sa mga sumunod na protesta. At lumala ito nang paghahampasin ng yantok at tubo ang mga nagprotesta at ordinaryong tao sa isang MTR station, at inakusahan ang pulisya na kakutasaba dito.

Call us!

Ngayon ay hindi na lang iisa ang demand ng mga nagpo-protesta, kundi lima, kasama na ang imbestigasyon sa karahasan ng pulisya at eleksyon ng lahat ng mamumuno sa Hong Kong.

Pinalampas ng mga opisyal ang pagkakataong i-resolba ang iisang kahilingan noon ng mamamayan. Makinig na sana sila sa mga hinaing na dapat ay naaksyunan noon pa, at tapusin na ang lumalalang gulo. Dahil lahat tayo ay damay dito.


---
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer. Pindutin ulit upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin ang mga numero.
Call us now!
Call now!
Call us!
CALL US NOW!
CALL NOW!
Call now!
Call us!
Don't Miss