Disyembre pa dapat ang uwi ni Elsa sa
Nobyembre 11 nang magsimula ang gulo sa pagitan ng mga estudyanteng kasali sa protesta at mga pulis. Dahil dito ay hindi makababa ang mga nakatirang residente sa University.
May mga nakaharang ng kung ano-anong bagay sa daan at may mga nagra rally kaya hindi makadaan ang mga sasakyan palabas.
Call us! |
Iisa lang ang pwedeng daanan papasok at labas sa lugar nina Elsa kung kaya bihira silang lumabas. Dahil wala na silang stock ng pagkain at maging ang kanyang alaga ay naubusan na din ng gatas kaya naglakad ang mga amo niya papuntang Tai Po upang doon mamili.
Ngunit nagkaubusan na din ng stock doon kaya kakaunti lamang ang kanilang nabili.
Noong Nobyembre 14 ay biglang nagdesisyon ang mga amo ni Elsa na umuwi muna ng
Call us now! |
Dahil sa takot sa kanilang seguridad ay nagdesisyon si Elsa kasama ang ilang kasambahay na umalis sa University at maglakad papuntang Tai Po. Wala na din kasing amo ang mga ito dahil nagsialisan pansamantala ang mga ito at umuwi sa kani-kanilang bansa.
Ang ilan sa mga kasambahay ay napilitang bumalik dahil sa layo ng lalakarin at sa takot na masabit sa gulo. Pero si Elsa at ang iba ay nagpatuloy sa paglalakad na hindi alintana ang pagod at gutom dahil ang hangad nila ay makaalis sa magulong lugar.
Call now! |
Pinagsabihan din si Elsa ng kanyang amo na kahit anong mangyari ay huwag nang bumalik ng campus.
Pagkatapos ng anim na oras na paglalakbay ay nakarating sina Elsa sa Tai Po kung saan nagpahinga muna sila sa isang hotel.
Kinabukasan ay pinakuha si Elsa ng tiket pauwi sa Pilipinas ng kanyang mga amo.
Nob. 16 pa ang alis ni Elsa papunta ng Pilipinas pero Nob 15 pa lang ng umaga ay pumunta na siya ng airport dahil na din sa pangamba na baka magkagulo na naman sa daan.
Napag alaman din ni Elsa na ang iba pang kasambahay sa University na walang mga amo ay pauuwiin din ng Pilipinas habang magulo pa ang sitwasyon.
Maghihintay na lamang sila ng balita mula sa kani-kanilang mga amo kung kailan sila pwedeng bumalik sa bahay ng kanilang mga amo. --- Emz Frial
---
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer. Pindutin ulit upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin ang mga numero.