Isa si Teresa na taga Tuen Mun sa mahigit 1,000 Pilipina na napilitang mangutang at magsanla ng pasaporte sa kumpanyang OFC dahil nagipit.
Wala daw siyang malapitan noon kaya naglakas loob siyang nangutang sa kanyang amo nguni’t hindi siya pinagbigyan.
Napilitang lumapit si Teresa sa OFC sa halagang $2,000 lang dahil kailangang kailangan daw mapagamot ang kanyang ina na maysakit.
Call us! |
Sa kasamaang palad binawian din ng buhay ang kanyang ina pagkalipas lang ng isang linggo.
Bumalik si Teresa sa OFC para bawiin ang kanyang pasaporte pero nadatnan niya ang opisina na magulo dahil ni-raid pala ng mga pulis.
Agad siyang humingi ng tulong sa Konsulado para mabawi ang kanyang pasaporte pero wala pa daw sa kanila.
Sunod na pinuntahan niya ang Wanchai Police Station, at dahil kasama niya ang kanyang amo ay naibalik sa kanya ang kanyang pasaporte.
Call us now! |
Laking pasasalamat ni Teresa sa amo na hindi siya pinagalitan dahil sa nangyari sa kanyang ina. Bagkus, binigyan pa siya ng abuloy.
Pagbalik niya sa Hong Kong pagkatapos mailibing ang kanyang ina ay kusa niyang ibinigay sa amo ang kanyang pasaporte para hindi na siya muling matukso na mangutang.
Ipinaalala naman ng kanyang amo na kung kailangan niya ng tulong para sa kanyang pamilya ay magsabi lang siya, pero dapat ay hindi siya magsinungaling.
Laking pasasalamat ni Teresa sa amo na kahit dalawang taon pa lang siya sa kanila ay nagpakita na ng tunay na malasakit.
Call now! |
Bilang ganti sa kabaitan nito ay ginawa lahat ni Teresa ang nararapat, katulad ng pagpunta sa Konsulado para aminin ang kanyang ginawang mali na nagsanla ng pasaporte para sa utang.
oble kayod ngayon si Teresa para makabawi sa mabait na amo, at para hindi na siya mangutang muli.
Si Teresa ay 45 taong gulang, may asawa at dalawang anak. Dahil panganay siya sa kanilang tatlong magkakapatid ay siya ang inasahan ng kanilang ina na magpaaral sa kanyang bunsong kapatid, at tinupad naman niya. - Rodelia Villar
---
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer. Pindutin ulit upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin ang mga numero.